Sam's POV
Ako na ang nagprisintang maghugas ng pinggan. Habang naghuhugas sa kusina, si Francis naman ay nakasandal sa malapit na dingding at nanonood.
Pagkatapos kong maghugas, mukha agad niya ang bumungad sa akin. Nakangiti sa akin, litaw na litaw ang malalim niyang dimples.
Manliligaw ko ba talaga 'to?
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may magkakagusto sa akin."Samantha." Bumalik ako sa realidad nang tawagin niya ang pangalan ko.
"H-Ha?" Tumawa siya sa naging asta ko.
"Sabi ko mauuna na ako. Medyo late na rin kasi, 'tsaka inaantok na rin ako."
"Ah, ganoon ba. Sige, hatid na kita sa labas." Sagot ko saka siya nginitian.
I dried my hand first bago ko siya sinamahan palabas.Nasilip ko pa ngang naghaharutan si Jaycel at Ky e. Malalandi talaga.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan hindi ko inaasaan ang nakita ko. Kuya Adrian? Pati ba naman ikaw?
Ang lalandi ng mga pinsan ko!
Paano kasi nakita ko si Kuya at Sandy na nagkikilitian. Kuya's hugging her from behind while tickling her waist. May kasama pang pahalik-halik.
"Adrian tama na, naiingit na ang kapatid mo. Haha."
Kaya nga Kuya, naiingi-
"Hoy, hindi ah!" Tanggi ko, mukha namang hindi siya naniniwala. Bakit naman ako maiingit?
Lumapit sa amin si Kuya at Sandy na magkaholding hands. Syempre dahil supportive akong kaibigan tinukso-tukso ko si Sandy. "Ikaw Sandy ah! Kanina lang sabi mo ititigil mo na tapos ngayon maaabutan kitang nakikipaglandian kay Kuya!"
Nahihiyang nangiti lang si Sandy. "Pero joke lang, support ko kayo. Yieeeee!" Natawa si Sandy sa pagtili ko at humawak sa kamay ni Kuya Adrian.
Hayyyyy..
Kailan naman kaya ang ako naman?
'Yong ako naman ang may kakulitan at kayakapan..But it's okay though. Okay na sa akin na nakikita kong masaya si Sandy at mukhang panatag na.
"Sige Kuya hatid ko lang po si Francis sa labas." Paalam ko kay kuya Adrian. Tumango naman siya saka tumingin kay Sandy at isinabay sa pagpasok sa apartment. Kinalimutan ko na lang ang inggit ko sa kanila at inaya si Francis na lumabas.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...