Sam's POV
Umuwi rin kami ni Kenneth pagsapit ng alas tres. Kamuntik ko pang malimutang ibigay ang pasalubong ni Jewel. Niyakap naman niya ako nang mahigpit kahit alam kong simple lang 'yon, kaya natuwa ako kasi nagustuhan niya iyon.
Sabi pa niya'y "Lahat naman po special at maganda kapag ang Tita Ganda ko ang nagbigay." Na lalong nagpatuwa sa akin.
Nakauwi naman kami nang maayos ni Kenneth, but we didn't talk the whole time. I don't really want to have a conversation with him, so I kept quiet. Hinatid niya pa ako sa apartment, bakas sa mukha ni Sebby ang pagkagulat. Hindi niya alam na kasama kong umuwi ng San Narciso si Kenneth.
Hindi na ako sumabay kumain kina Sebby at sinabing busog pa ako kahit hindi naman. What Kenneth did, bothered me. Para saan ang halik? Para bulabugin 'yong buhay kong nananahimik?
Bahala na! Leche talaga siya!
Maaga akong nagising at nag-ayos. Paggising ko, pumasok na agad kahit kahit hindi pa nag-aalmusal. Bakit? Gusto ko kasing magkasakit at mamatay na lang.
Pero biro lang, para kasing gusto ko magpunta ng coffee shop kahit wala naman na akong pera.
Naabnormal na ata talaga ako. Hinawa sa akin ni Kenneth ang kaabnormalan niya noong hinalikan niya ako.
Bumili ako ng pinakamurang kape na aabot sa pera ko at isang slice ng strawberry cake. Si Kenneth kasi ang nagbayad ng pamasahe ko papunta at pauwi ng San Narciso kaya may extra ako para sa mga luho ko.
Abala ako sa pagscroll ng news feed ko sa Facebook nang may naglagay ng isang tasa ng expresso at isang hiwa ng cake sa mesa ko. Hinila rin niya ang upuang nasa harap ko at naupo.
"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanya nang nakilala ko siya.
"Good morning..." Dahil sa ngiti niya ay mas lumabas ang dimples.
Ibinaba ko ang phone ko at uminom sa kape ko, medyo kabado dahil panay ang titig niya sa akin. Kakain na sana ako ng cake nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin.
"Stop staring, please, nenenerbiyos ako." He chuckled.
"Sorry, hindi ko mapigilan. You look good today, as always." Nag-init ang mukha ko dahil sa pagpuri niya sa akin.
Hindi rin naman kami nagtagal ni Francis sa coffee shop. Nauna na akong nagpaalam na papasok na pero sinabi niyang sabay na raw kami, kaya nagsabay nga kaming pumasok.
Pansin ko ang mga pagsulyap sa amin ng mga tao sa university namin. Mga chismoso't chismosa! Che!Hinatid din ako ni Francis sa room namin, natutulog si Marky sa mesa ng upuan niya.
"Thank you, sa paghatid. Sige pasok na ako, salamat ulit!" Ngumiti lang siya sa akin at pinapasok muna ako bago siya tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...