Chapter 43

80 5 0
                                    

Sam's POV


Medyo naalimpungatan ako dahil sa katigasan ng unan ko pero hinayaan ko 'yon. Hindi ko alam, ang sarap pa rin kasi higaan kahit na matigas.

Pero tuluyan akong napamulat nang may yumakap sa beywang ko mula sa likuran. Napaawang ang bibig ko nang naalala na hindi pala ako umuwi. At ang malala heto, ako nakatulog sa tabi ni Joseph, sa isang maliit na kama.

Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo ko sa hubad niyang katawan at ang hindi ko napansin na nakalapag na kamay ko sa bandang tiyan niya. Wait, nakahubad siya?!

Putakte sa pagkakaalam ko nakasando siya kagabi ah!

At parang malakas na hangin, sumampal sa akin ang nangyari sa amin bago ako natulog. Fuck?!


Marahan niya akong hinahalikan habang ako naman nakakapit sa leeg niya, nagpapaubaya. Ang kaninang nakahawak niyang kamay sa aking pisngi ay bumaba sa beywang ko.

Pinaghiwalay niya ang kanina pa naming magkalapat na labi at tumitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga titig niya sa akin.

"Ysabel." Napalabi ako dahil sa pagtawag niya. "Hmm?"

"Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko." Nangunot ang noo ko.

"Ha?" Tanging naitugon ko sa kaniya.

Naintindihan ko na lamang ang gusto niyang sabihin nang magsimula siyang halikan ako sa leeg paakyat sa aking tainga. Napapikit ako at tinikom ang bibig upang hindi makagawa ng ingay.

"I love you.." Marahan niyang bulong sa aking tainga at pinatakan ito ng isang halik bago bumaba sa aking labi.

Hindi pansin ang sama ng panahon at malakas na pagbuhos ng ulan, ang tanging naririnig ko ay ang tibok ng aking puso at ang mumunting tunog ng aming halikan.

Hindi ko mapigilan ang mapadaing ng kagatin ni Joseph ang pang-ibaba kong labi. Nag-angat siya ng tingin at bakas sa mukha niya ang pagkamangha.

Napaiwas ako dahil sa kahihiyan. "Bakit, pangit ba pakinggan? Sorry.."

"No. It's just that... it m-makes me.." Nanlaki ang mata ko nang may maramdaman akong tumutusok sa bandang puson. Nanlalaki pa rin ang mga mata, nagbaba ako ng tingin.

"Hard."

Agad kong binalik ang tingin ko sa kaniya. Nanindig ang aking balahibo dahil sa pagnanasang nakikita ko sa mga mata niya. I must be dreaming..

"Make me stop." Nakahawak pa rin sa bandang itaas ng beywang ko, binigyan niya ako ng isang ekspresyon na hindi ko mabasa.

"Bakit?"

"Baka hindi mo magustuhan ang kalalabasan nito, baka magalit ka. Baka mag-iba ang tingin mo sa'kin.. Baka tuluyan ka nang mawala." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas, yumakap ako sa kaniya.

Dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko, hindi niya nakayang alalayan ang biglaan kong pagbangon kaya sabay kaming napahiga.

Ang kaibahan lang ngayon, ako na ang nasa itaas niya, nakapatong sa kaniya. Dahil sa puwesto namin, mas lalo kong naramdaman ang kanina pang nanunusok sa puson ko.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon