Sam's POV
"Kailan pa?" Mapang-usisang tanong ni Kenneth habang mariin ang titig sa akin. Lilipat sa katabi ko ang tingin, matapos ay agad na babalik sa akin na mas maraming pinapakitang hindi ko kilalang emosyon.
We decided, I mean Melisse decided to have a small talk in a near coffee shop. Dakilang chismosa, gustong "makibalita" raw sa mga ganap sa buhay ko.
Akala ata niya hindi ko alam na hinahanapan niya ako ng butas! Well dig deeper, bitch!
Minessage ko na lang sina Sebby na may kailangan pa akong daanan kaya pinauna ko na sila umuwi.
I thought going out would make me calm! Kung alam ko lang na ganitong stress ang mararamdaman ko sa paglabas tinali ko pa siguro ang sarili ko sa kama para hindi na bumangon!
Panay ang sulyap sa akin ni Mr. Dimple dahil sa mga tanong ni Kenneth.
I sighed. After this I deserve a break, or at least a slice of cake!
"Um, matagal-tagal na rin." I answered while nodding.
Mukha namang 'di naniniwala ang gunggong na si Ken! Napakagat na lang ako sa labi, nagpipigil na may malapatan ang nangangati kong palad.
Bakit, imposible bang magkaroon ako ng nobyo?! Nakakasakit ang tingin mo ha!
"Paano naman kayo nagkakilala?" Tanong ni higad at uminom sa tasa ng kape niya. How i wish na mapaso siya, magkadiperensya ang bunganga niya at hindi na makapagsalita pa!
"Nag-" Ikwekwento ko na sana sa kanila ang pangarap kong plot ng love life ko nang unahan ako ni Mr. Dimple Guy.
"Nagkakilala kami sa bookstore, tapos suddenly ito na. Hindi ko na nga maalala kung anong exact na nangyari e. But one thing is for sure, mahal namin ang isa't isa..." Umakbay pa siya sa akin upang ipakita ang sinseridad niya.
Not bad, huh.
"Bakit hindi mo ako sinasabihan na may boyfriend ka na pala Ysabel." Tanong ni Ken na nagpakulo ng dugo ko. Seriously, what's wrong with him? Naapektuhan ba ng init dito sa Pilipinas ang utak niya at nakalimot!
"Nakalimutan mo na bang kinalimutan mo ako?" Nag-iwas ako ng tingin nang nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko.
Maybe he's guilty? Kasi hindi niya alam na nasaktan pala ako nang nawala siya. Akala niya siguro hindi big deal sa akin 'yong pagkawala niya na parang bula. Akala niya siguro wala lang sakin 'yon dahil aso't pusa naman kami e. Akala niya siguro hindi siya importante sa akin.
E pinapatunayan niya lang na gago talaga siya! Na ang manhid-manhid niya para hindi maramdaman na importante siya sa akin! Pinapatunayan niya lang na totoong tanga siya dahil hindi niya alam na masasaktan ako dahil mahal ko siya, hindi lang basta bilang kaibigan.
Kung may lakas ng loob ba akong sabihin sa kanya 'yan noon may mababago ba? Natural ay wala!
And now that he's finally here again, nothing will change. My feelings for him will still remain a secret between me and myself.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
DragosteKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...