Ken's POV
Naglalakad pababa ng hagdan ang babaeng mula noon, nakakuha na ng atensyon ko.
Her tantalizing eyes I always adore, and her beautiful smile that captured me.
Sa bawat hakbang niya pababa, ay siyang paglapit sa akin ng mundo ko. Ang segundo tila ay nagiging minuto, ang minuto'y mistulang nagiging oras.
I wanted to walk the distance between us, but I can't. I don't want to ruin this special night for her, not again.
Matapos niyang matahak ang distansiya namin sa isa't isa, ay siyang pagsimula ng pagtulo ng luha niya.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya kahit umiiyak na siya. Masaya ako ro'n. Dahil ang ibig sabihin no'n ay masaya siya sa nangyayari ngayon, at sa mangyayari pa.
After she calmed her self down, she scanned me from head to my foot. Matapos ay tinitigan ako sa mata ng makailang segundo. Nakikita ko na naman ang pangingilid ng luha niya.
"Stop crying, you know I hate seeing you cry."Pinagpatuloy lang niya ang pagluha at dahan-dahang sumandal sa balikat ko.
"Mahal kita, mahal na mahal." I whispered to her ears and kiss the side of her lips.
Marami akong nagawang maling desisyon, mga desisyon ako rin ang nagdusa dahil sa pagiging manhid at torpe kong lalaki.
But this time, I'll make sure to make my decisions right.
Na pag-iisipan ko munang mabuti ang isang bagay bago ito gawin o sabihin. Na lagi kong aalalahanin ang mararamdaman ng mga tao sa paligid ko. Ng mga taong mahal ko.
Specially her, Samantha Ysabel Reyes, the girl that changed me. My best friend that knows everything about me. The woman I love, and will always love to eternity.
Sam's POV
Hindi ko na namalan ang oras at ang araw magmula nang naging kami na ni Joseph. Everything feels like it's only a dream, but it's not.
Magmula nang naging kami, halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. Every lunch time, kahit hindi na magtugma ang oras namin nagagawan niya pa rin ng paraan para sabay kami kumain.
Kung talagang wala talagang lusot kapag lunch, sa dinner naman siya babawi. Minsan susunduin niya ako sa apartment para kumain sa labas. Minsan din naman susunduin niya ako para maggabihan sa apartment niya.
Syempre gustong-gusto naman ni Mon kasi makakapunta siya sa apartment namin para makasama si Kitty.
Kapag naman eksaktong walang pasok kinabukasan at nagdinner ako sa kanila, hindi na niya ako pinapauwi.
Ang idadahilan niya, gabi na raw, baka raw madisgrasya kami sa daan, pagod daw siya. Ganito, ganiyan. Na kailangan niya raw ako para magcharge siya.
Eh nakukuha ako lagi ng pagpapaawa niya, masusunod ang gusto niya syempre.
Pero ang nakakapaglambot ng puso ko sa t'wing sa iisang kwarto lang kami, ay 'yong hindi niya nakakalimutan ang pangako niya sa akin. At kina Mama.
We'll just cuddle until we fall asleep. Talk about our day, our dreams, and even talk about nonsense things. Para lang hindi kami makatulog agad at masulit ang oras na magkasama kami.
Mayroon din mga panahon na hindi niya kayang pigilan ang sarili niya. He'll kiss me passionately.. Pero hanggang do'n lang 'yon.
'Pag katapos no'n, bigla siyang babangon at aalis ng kwarto. Susundan ko naman siya lagi at sisilipin.
![](https://img.wattpad.com/cover/160745902-288-k682357.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...