Sam's POV
Pumasok na ako sa loob at hindi inintindi ang sinabi ni Kenneth.
Bahala siya sa buhay niya kung gusto niya akong hinahatid o sunduin..."Oh, Mon? Bakit ka nandito?" Una ko kasing nakita si Mon na nakaupo sa isang sofa katabi ni Kitty tapos sa katapat na sofa naman ay ang tatlo.
Nilagay ko muna sa kwarto ang mga gamit ko saka nagpalit at lumabas na rin para makichismis.
"...Gusto kong ligawan ulit si Kitty." Una kong narinig na sinabi ni Mon pagkaupo ko sa tabi ni Sebby.
"Gusto mong ligawan pero magkahawak kayo ng kamay? Hindi naman ata pwepwede 'yan. Bilang kami ang guardian niya rito ngayon, kailangan naming maging strikto at kailangan mo munang patunayan ang sarili mo." Sumbat ko.
Syempre kapamilya, kapatid at kapuso ko na rin si Kitty. Hindi naman purket na kaibigan ko si Mon ay papayag na agad akong maging sila 'no! Hindi patas 'yon. Kalahi siya ni Kenneth. Baka saktan na naman siya ulit.
Binitawan naman ni Mon ang kamay ni Kitty, aangal pa sana si Kitty pero nilakihan ko siya ng mata kaya hindi rin niya natuloy. Good....
"Alam na ba ni Tita Janice na nandito ka sa Iba? Alam ba niya na rito ka na nag-aaral? At alam na ba niya na gusto mong maging sa'yo ulit ang anak niyang sinaktan mo years ago?" Matapang na tanong ni Sebby. Alam kong kahit okay lang sa kanya kung sino man ang gustuhin ni Kitty, pero hindi mo maalis ang pag-aalala..
"Bago pa kami lumuwas ni Kenneth dito dumaan na ako kay Tita. Nagsorry ako, sinabi kong nawalan ako ng lakas ng loob dahil pakiramdam ko hindi ko deserve ang kaibigan ninyo. Pero, hindi ko talaga kayang ipaubaya siya sa iba. Lalo na nang malaman ko na kung sino-sino lang ang nagiging nobyo ng pinakamamahal ko... Pakiramdam ko pinagpapasahan 'yong kayamanan ko... Kaya nandito ako. Babawiin ko ulit siya. Selfish ako, kahit pakiramdam ko hindi ko siya deserve, dapat akin pa rin siya... Araw-araw ko na lang papatunayan na mahal ko siya, sa ganong paraan ko ipapakita na deserve ko siya... Dahil mahal ko ang kaibigan ninyo..." Natahimik kaming lahat sa pagiging seryoso ni Mon. Parang natunaw ang puso ko nang makita ko sa mata niya, sa mata nilang dalawa na mahal nila ang isa't isa.
Sino nga ba kami para tumutol?
"... Mahal kita." Bulong niya kay Kitty. Ngumiti naman si Kitty, nagpipigil ng luha.
"Patunayan mo 'yang sinasabi mo Mon, kung hindi malilintikan ka sa akin... U-Um, gusto mo bang dito na kumain?" Hinawakan ko ang kamay ni Sandy, alam kong sinusubukan na niyang bumawi kay Kitty, at alam kong naramdaman niya rin ang senseridad ni Mon.
"Hindi, mauuna na ako. Baka nilalamok na ang sundo ko sa labas e." Sagot ni Mon saka humalakhak.
"Sino?" Tanong ni Kitty.
"Si Kenneth.." Napatingin naman ako kay Mon na nakangisi na sa akin ngayon.
"Hinatid ka raw niya... Sakto namang nandito ako, makikiangkas muna ako Reyes, ha... Huwag kang magseselos.." Rinig ko ang mumunting tawa ni Kitty kaya tinignan ko nang masama si Mon.
"Kitty. Huwag na huwag mo na ulit papasukin si Mon sa pamamahay natin-"
"Apartment." Putol ni Mon sa akin.
"Arghh, ikaw na bakla ka! Alika ritong gago-" Hinarang ako ni Sandy at Sebby nang tatayo na sana ako para sabunutan si Mon. Tatawa-tawa naman ang gago!
"Tawagin mo na sa labas si Ken, Mon. Sabihin mo rito na kayo kumain." Tumango si Mon sa utos ni Sandy saka lumabas. Tinitigan ko naman nang masama si Sandy.
![](https://img.wattpad.com/cover/160745902-288-k682357.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...