Chapter 31

65 5 0
                                    

Sam's POV



"Ang swerte ni Melisse, 'no? Nabingwit niya si Ken.."

"Ano kayang nagustuhan ni Kenneth doon? Pangit na nga ang panglabas, pati na rin ang pangloob.."


"Maging masaya na lang tayo para sa kanila. Baka true love 'yon, kagaya ng mga nababasa at napapanood natin. Yieee!"


Hindi ko na natagalan ang pakikinig sa usapan ng mga kasama ko sa CR kaya lumabas na ako at napahilamos sa mukha habang sumasagap ng hangin.


Bakit sila?!

'Di ba ako 'yong hinalikan niya noong nakaraan?! Bakit hindi ako?!

Bakit sa dinami-rami siya pa talaga!
Bakit?!


Sobrang daming tanong ang nasa isip ko at napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil kahit anong pag-iisip ko, hindi ko pa rin malaman kung ano ang mga sagot sa mga tanong ko.


Napapadyak na lamang ako sa inis at naka kunot noong pumasok ng classroom namin.


"Ang saya-saya mo pa kanina bago magcr tapos babalik kang nakakunot ang noo. May problema?" Sinalubong ako ng tanong ni Sebby.


"Wala lang 'to, huwag ninyo akong intindihin.." Sagot ko at pabagsak na umupo sa upuan ko.


Mas lalong nag-init ang ulo ko nang makita kong magkatabi sa harap ko sina Melisse at Joseph.


"Kanina lang namin nabalitaan.." Napatingin ako kay Kitty dahil sa pagbulong niya sa tabi ko.

"Ang alin?"


"Na sina Ken na at Melisse. Nagulat nga ang lahat e. Akala kasi nila ay loko-loko lang ang panliligaw ni Ken kay Melisse, pero tignan mo. Mukhang totoo na nga talaga, kawawang Almazan.." Pakiramdam ko ay nagpira-piraso ang puso ko dahil kumpirmado na nga, sila na talaga.


Kailangan ko ng explanations galing kay Joseph, pero nahihiya ako.
Wala naman kasi siyang sinabing gusto niya ako. Gusto niya akong maging girlfriend..

Na mahal niya ako...


Halik lang naman iyon e, para siguro sa kanya wala lang iyon...


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon