Sam's POV
Hindi nila ako pinansin at itinoon ang tingin sa TV. Si Ky naman ay pumunta ng kusina kaya sinundan ko siya habang bitbit 'yong teddy ko.
"Ky, ba't ayaw mo maniwala?" Pangungulit ko sa kanya habang umiinom siya ng tubig. Naglakad siya papunta kina Sebby at hindi ako pinansin.
"Guys! Ba't ayaw ni'yo maniwala?" Tanong ko sa kanila at humarang sa TV.
"Ano ka ba, Oa mo talaga! Tabi nga!" Naaasar na sagot ni Kitty. Nakiupo na lang ako sa kanila at pinaupo si Teddy sa hita ko.
"Ano ba Sammy! pwede naman na ibaba 'yan 'di ba? Ang laki-laki eh! sinlaki mo!" Saka sila sabay-sabay na tumawa. I hate chu Sebby! (ToT)
"Eh kasi bigay 'to sakin ni Francis eh." Sagot ko kay Sebby saka niyakap si baby teddy nang mahigpit.
"Kamusta date?" Tanong ni Sandy.
"Masaya na hindi." Pareparehas silang nalingon dahil sa naging sagot ko.
"Bakit? Ano ba nangyari?" Tanong naman ni Kitty.
"Kasi nakiepal sina Kenneth." I answered, pouting.
"Kwento, dali!" Natutuwang sabi ni Kitty sabay upo sa lapag. Pinagkumpulan po nila ako.
Mga chismosa!
(-_-).Wala akong nagawa kun'di magkwento. Halos mamatay-matay na sila kakatawa ng ikwento ko na A Quiet Place 'yong pinanood namin.
Binalak kasi nila na manood no'n dati, kaso 'di nila sinabi sa akin. So, no'ng nalaman ko tinakasan ko sila at tumambay na lang sa bookstore.
Mga bwiset talaga sila.
Tapos tuwang tuwa rin sila noong kwenento ko 'yong nangyari sa amin ni Melisse. Huh! Ako pa ba?
"Masaya bang kadate 'yong ''Bebe'' mo?" Pang-aasar ni Sandy.
"Iyon na nga eh, gusto raw niya akong ligawan hihihi." Kinikilig na sagot ko habang iniikot ikot sa daliri ko 'yong ibang hibla ng buhok ko.
"Joke ba 'yon?" I glared at Sebby.
"Ba't ba ganiyan kayo sa akin Sebby?! Lahat na lang ng sinasabi ko joke." Napanguso ako lalo ako.
"Eh kasalanan mo rin eh, lahat na lang ng sinasabi mo gawa-gawa ng imagination mo." Sagot ni Ky.
"Pero totoo na talaga ngayon 'to. Sabi niya matagal na raw siyang may gusto sa akin, na kaya raw 'di niya ako maligawan kasi akala niya may boyfriend ko. Nagyon daw na nalaman niya na wala, gusto na raw niyang gawing totoo 'yong pagiging couple namin." Pinipigilan kong ngumiti at kiligin para ipakita sa kanilang seryoso ako.
"Okay, medyo nakumbinsi mo na ako. Pero gusto kong dumaan muna siya sa amin, para malaman namin kung approve ba siya at kung totoo nga 'yong sinasabi mo." 'Di ko alam kung matutuwa ba ako o maasar sa sinabi ni Sebby.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
DragosteKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...