Sam's POV
"Guys may ikwekwento ako sa inyo!"
Biglang sabi ni Kitty pagkatapos tumayo galing sa pagkakaupo sa damuhan. Nandito kami ngayon sa field kung saan tahimik at wala masyadong tao.Medyo maaga ang tapos ng klase namin. Wala naman kaming gagawin sa apartment kaya nagpasya na lang kaming manatili na lang dito sa field.
"Ano yun Kit?"
"Ano ba Sandy! Kanina mo pa ako inaasar ah, Kitty nga kasi!" Kanina pa silang nag-aasarang dalawa mula nang dumating kami rito.
"Okay I'll stop. So, ano 'yon Kitty?" Seryosong tanong ni Sandy, pero halatang nagpipigil lamang ng tawa.
"May nabalitaan kasi ako..." Matagal itong huminto na ikinainis nina Ky.
Nagbuntong hininga naman ako. 'Yong tawag kanina. Kahit ilang taon nang hindi kami nakakapag-usap kabisado ko ang boses na 'yon...
May tauhan ba siya rito sa Pilipinas? Paano niya nalaman 'yong kanina?
Of course wala, Samantha Ysabel! You idiot! Sa mga palabas lang nangyayari iyon.
"Ano ba 'yan Kitty! Pabitin ka naman! Sabihin mo nalang kaya nang buo!" Napasipa pa si Kyline sa hangin para ipakitang hindi siya natutuwa. Mang-aasar sana ako pero wala ako sa mood ngayon.
"Patapusin mo muna kasi ako Kyline, you know that?"
"Okay.. May nabalitaan akong may nagtransfer na new student pala.
Base sa nakuha kong source sa engineering class daw."Engineering? Hmm..
"Oh? Ano naman ngayon kung may bago?" Tanong ni Sebby.
"Hindi lang naman kasi siya basta bago. Kilala natin siya!" Masayang sagot ni Kitty. Nakuha niya ang atensyon ko.
"Sino ba kasi siya? Lalaki?" Nagtatakang sabi ni Sandy.
"Yes lalaki siya."
No. Please no. Ngayon sana gumana ang pagiging assumera ko, fuck!
"Oh? So, sino nga?" Nawawalan ng pasensyang sabi ni Ky.
"Si Kenneth Joseph Almazan."
"SI KEN?!!" Sabay na sabi nina Ky at Sandy.
Pakiramdam ko'y huminto ang tibok ng puso ko, nakarinig ako ng pamilyar na tunog kagaya nang sa palabas kung saan namamatay na ang isang karakter.
"Uy, Sammy si Ken daw! Aren't you happy? Makikita mo na ulit isa sa mga bestfriend mo!" Masayang sabi ni Sandy.
Nanatili lang akong tahimik at napayakap sa tuhod.
So he's here, huh? He's finally here after so many fucking years!
Hindi ko na nasundan kung anong nangyari matapos kong makumpirma na nandito siya, sigurado ako na sa kanya ang numerong 'yon. He's doing it again. But then this time, sisiguraduhin kong hindi na siya mananalo.
Free time ko nang napagdesisyunan kong manatili muna sa field. Walang masyadong tao rito, hindi naman siguro kami magpapang-abot e 'no?
Engineering? I'm sure he's busy.
Imposibleng magkaroon siya ng oras para gaguhin ang buhay ko. Ni hindi nga siya nangambalang bigyan ako ng kakarampot na minuto ng buhay niya para magpaalam man lang sa akin na aalis siya.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...