Chapter 39

57 5 0
                                    

Sam's POV

Bangag akong umuwi sa apartment habang wala namang kibo si Ky at parang may malalim na iniisip.

What was that? Sa pagkakaalam ko, nililigawan niya ako. Bakit may gano'n?

Sobra ba akong nalutang nitong mga nakaraang linggo kaya nakalimutan ko na binasted ko siya at nanligaw naman siya ng iba?

Arrghhh! Ang gulo-gulo ng lahat!

"Nakita mo rin naman 'yon 'di ba? Hindi naman ako lutang kanina. Talaga bang si Francis 'yon? May hinalikan siya! Nakita mo rin 'di ba? I mean, hindi naman gano'n kalayo kaya nakita natin." Kasabay ng paulit-ulit kong tanong kay Ky ang sunod-sunod kong pagyugyog sa kanya.

"Sandali lang naman Sammy! Inaabsorb ko pa lahat ng pangyayari eh! Una, 'yong leche Kenneth Joseph Almazan na 'yon! Hindi pa ako nakakabawi ro'n eh, tapos ito pa?! Nalingat lang tayo saglit may isa pa palang nagloloko?! My God! Ano na bang nangyayari sa mga lalaki ngayon?!" Wow. Parang si Ky 'yong may pinagdadaanan sa'ming dalawa. Damang-dama niya eh.
(-_-).

"Anong gagawin ko?" Pabagsak akong tumabi sa kanya sa kama at nagmamakaawang tumitig sa kanya.

"Kakausapin ko ba siya bukas pagpasok ko? Eh hindi ko naman siya nakakasalubong. Komprontahin ko ba? Kaso baka nagkakamili lang ako. Pero mayro'n bang magkamag-anak o magkaibigan na lalaki't babae na naghahalikan? Sa labi pa ha! Wala naman 'di ba? .... Ano na Kyline?" Walang naging sagot si Ky kaya napahiga na lang ako at napabuntong hininga.

Napabangon lang ako ng tumunog ang phone ko at may nareceive na message na kahit hindi ko tignan o basahin, alam ko kung kanino galing.

Sa number ni Joseph.

Araw-araw gan'yan. Ginagamit ni Melisse ang phone ni Joseph para itext ako at isend sa akin lahat ng nangyayari sa buhay nila.
(-_-).

Pati pagkain nila nang sabay sa umaga ipapakita sa akin, pagpasok sa university, pagkain ng lunch, pag-uwi nang sabay.
(-_-).

Syempre noong una nagdradrama-drama pa ako. Na dapat ako 'yon, na dapat ganito ganiyan. Pero sa paglipas naman ng araw halos nakasanayan ko na.

Minsan nga sa sobrang kabwisitan ko dahil sa sinend niyang picture nila habang natutulog nang mahimbing si Joseph tapos siya naman nakahalik sa pisngi nito nagsend din ako ng sarili kong picture.

Isang selfie picture ko habang nakadirty finger at kasabay noon ang isang message na nagsasabing "as if I care."

Of course! As if I care 'no! Kahit halikan pa niya sa labi pake ko naman! ....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon