Sam's POV
Kanina pa ako medyo nawiwirduhan kay Ky mula nang paggising namin hanggang ngayon na nasa hapag-kainan na kami.
Hindi ko alam kung nasaang kalawakan ang kaluluwa niya ngayon at hindi mawala ang ngiti at halos minu-minutong bumubuntong hininga at ngingiti ulit.
"Ky, tigilan mo muna ang kangingiti mo riyan at kumain na. Mali-late na tayo oh." Suway ni Sandy na katabi ni Kuya Adrian.
Sinunod naman ni Ky ang sinabi ni Sandy at kumain na ng hindi tinatanggal ang ngiti sa labi. I saw her took a glance at Jaycel, her smile became wider. Nang nakita akong nakatitig ay umiwas saka sumubo ng kanin.
Napasulyap naman ako kay Jaycel na nakangisi, umiinom ng kape, at nakatitig kay Ky.
As usual ako ang naunang natapos kumain kaya nilagay ko na lang ang pinggan ko sa lababo, hindi ko naman schedule maghugas ngayon.
Hinanda ko ang uniform ko at dumiretso sa CR na kalapit sa kwarto namin. Ang isa kasing banyo ay nasa tabi ng kusina, nakakahiya naman na roon ako maligo 'no.
Kahit naman pinsan ko sina Kuya Adrian at Jaycel nakakahiya naman na makita nila akong nakatapis lang na naglalakad 'no!
Mamaya patayin pa ako ni Kuya at akalain na ginagawa ko 'yon 'pag may bisita, specially kapag lalaki.
(-_-)."Morning, Sam!" Someone who's unfamiliar to me greeted.
Dumiretso na lang ako sa room namin. Nakita kong busy sa kakakalikot si Marky sa phone niya kaya ginulat ko siya at nalaglag niya ang phone niya.
Sinimangutan niya ako. "Sam, naman bakit mo naman ako ginulat? Buti na lang hindi nasira." Siya, habang pinupunasan yung phone niya.
"Sabi mo kasi hihintayin mo'ko sa gate, bakit nandito ka na?" Pagtatampo ko sa kanya na kinalaki ng mata niya.
"Shit! Sorry Sam, nakalimutan ko! Sorry talaga." Nakayuko niyang sabi habang mahigpit ang kapit sa telepono niya.
"Iyan ba ang pinagkakaabalahan mo kaya hindi mo ako sinundo?" Turo ko sa phone niya. Nakita ko kasi na may litrato ng babae at mukhang sa Facebook 'yon galing.
Tinago niya iyon sa likod niya at napakamot sa ulo. "O-Oo e, sorry talaga Sam, hindi na mauulit promise." Mukhang guilty talaga siya.
Narinig ko pang may bumulong ng ''magbre-break na ata sila?''
"Ano ka ba! Okay lang 'yon, haha! Sino ba iyan? Share mo naman."
"Hindi ka galit?" Paninigurado niya.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...