Chapter 37

58 7 0
                                    


A/N: Una sa lahat, pasensya na kung medyo natatagalan po akong mag-update, medyo naging busy lang. Pangalawa, sobra sobrang sobrang maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng story na 'to. Kahit na hindi siya gano'n kaganda gaya ng mga nababasa ninyo sa ibang authors salamat pa rin po ng marami. Huwag po kayong mag-alala kapag po nagkaroon ako ng oras ieedit ko na lang po para mapaganda siya. 😊. 'Tsaka sinusubukan ko naman pong (sa tingin ko) pagandahin 'yong bawat chapters. 'Yon lang po, salamat po ulit! ❤❤❤



Sam's POV


"Sam!"

Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin kay Marky. "H-Huh?"

"Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong.

"O-Oo naman!"

"Ahh." Kahit alam kong hindi siya naniwala, tumango lang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Parang naging daily routine ko na 'yan. Tatanungin nila ako kung okay ako, sasagot naman ako ng oo. Tatanungin nila kung may problema ako, iling lang naman ang isasagot ko.

Hindi naman dapat ako maapektuhan 'di ba?

Wala pa namang kami kaya okay lang dapat sa akin kung hindi siya nagpaliwanag, kung hindi niya ako sinundan.

Pero, bakit ang laki-laking bagay sa akin no'n?

Halos mag-iisang buwan na rin mula nang nangyari 'yon. Pero hangang ngayon, ni anino ni Joseph hindi ko pa nakikita.

Nangyayari na naman 'yong dati... Hindi na ako magugulat kung isang araw paggising ko, wala na naman siya.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon