Chapter 32

63 5 0
                                    

Sam's POV


I woke up with a heavy thing resting on my waist. Inalis ko ito dahil baka si Sebby na naman ito na malikot matulog.



"Hmmm, usog..." Sumiksik lalo si Sebby sa akin at tuluyan na akong niyakap.



"Sebby, ansikip." Nakapikit ako habang pilit na inaalis si Sebby na sobrang higpit ng yakap sa akin.
Inakala pa atang ako si Kuya Carl.



Pero bigla akong napamulat nang sumobra na sa pananaginip si Sebby at halikan ako sa labi.


"Kenneth?!" He grinned, still half asleep, at mas sumiksik sa akin.



"Teka, teka! Bakit magkatabi tayo? Asaan sina Sebby?" Pinigilan ko siya sa pagyakap sa akin pero hindi siya natinag at binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Asa kabila sila..." Bulong niya sa leeg ko.


"Si M-Mon?" Tanong ko nang mapansing nasa kwarto ko kami.

"Sala.." He answered shortly, his lips are on my neck.


"Sandali lang, nakikiliti ako..." Dahil nakabaon ang ulo niya sa leeg ko ay nararamdaman ko ang hininga niya na nagdudulot ng kiliti sa akin. Parang wala siyang narinig at ipinatong pa niya ang paa niya sa paa ko.



"Gutom na ako.." Napasilip ako sa bintana, medyo tirik na ang araw. Maglalaba pa ako e.




"Gutom na ba ang love-love ko?" Natawa ako sa tawag niya sa akin habang siya naman ay napaupo.



Tumango ako sa tanong niya, inayos niya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. Napapikit ako nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi at sunod-sunod na hinalikan ang noo, pisngi, mata, ilong, baba at labi ko.



"Gutom ka pa?" Natatawang tanong niya nang huminto siya sa kakahalik sa akin. Ang magkabilang kamay ay nasa gilid ng ulo ko. I nodded, his lips formed into a devilish smirk. He's about to kiss me when the door suddenly open. Napabangon ako dahilan ng  pagkakauntog ko sa noo niya.


Parehas kaming napaaray sa ginawa ko, nakita kong tatawa-tawa si Kitty na nakatingin sa amin.


"Sorry, hindi ako kumatok. Gusto ko lang kasing sabihin na gising na sina Sebby kaya lumabas na kayong dalawa kung ayaw mong palayasin si Ken dahil pinayagan ko siyang tumabi sa'yo." Tumalikod na si Kitty at umalis.

Wala pa rin akong kaalam-alam kung paanong katabi ko si Kenneth matulog. Wala rin akong maalalang humiga ako para matulog. Did I pass out?

Dali-dali rin kaming tumayo upang lumabas ng kwarto. Saktong pagkasara ko ng pinto, lumabas sina Sebby ng kwarto nila.



"Oh, anong ginawa mo sa loob? Bakit magkasama kayo ni Ken?" Dahil sa pangarap na maging psychologist ni Sebby, sa kanya ako pinakatakot na magsinungaling.


".... Ano kasi... Chinarge ko kasi ang phone ko, t-tama! Chinarge ko ang phone ko sa kwarto namin ni Ky kasi puno na 'yong saksakan sa atin. Hindi ko naman nakasama si K-Kenneth sa loob, nakasalubong ko lang siya rito sa labas." Iniwas ko ang tingin ko nang suriin ni Sebby ang mga mata ko.


Huwag mo namang i-apply sa akin ang nakuha mong ambisyon Sebby.



Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon