Sam's POV
"Kinakabahan ka ba?" Tamad na nakapatong ang baba ni Joseph sa balikat ko. Umiling lang siya at yumakap.
Nakasakay na kami sa tricycle at tinatahak ang daan papuntang subdivision namin. Suot ko ngayon ang varsity jacket niya noong high school na pinapangarap ko lang noon, pero sa akin na ngayon.
(^~^)Tinotoo nga ni Joseph ang sinabing niyang pupunta kami kina Mama. Nang medyo nakarami na siya ng inom kagabi, tumigil na siya at mas pinili na lang na makipag harutan sa akin.
Dahil medyo nakainom nga sila kagabi, sa kuwarto na lang namin ni Ky sila pinatulog. Tapos kami namang anim nagparty-party sa kuwarto nina Sebby.
Buti na lang may extra pa kaming banig para sa mga maarteng katulad ni Mon na ayaw makitabi. Natrauma na ata noong mga panahon na katabi niya si Joseph matulog.
Nanyayakap daw kasi ang Love-Love ko. Tatawa-tawa pa siya habang nagsusumbong sa akin si Mon.
'Yon dahil sa pag-iinarte ni Richmond, naghirap siyang matulog sa banig at nanakit ang likod kaninang umaga. Habang 'yong lima naman nagsiksikan sa kama.
Huminto na ang tricycle sa tapat ng bahay namin, naunang lumabas si Joseph bago ako at siya na rin ang nagbayad ng pamasahe namin.
Mukhang makakaipag-ipon na ako nito ah.
"Sure ka hindi ka kinakabahan? Pwede ka pa namang umatras eh." Paninigurado ko at kumapit sa beywang niya.
Hindi siya sumagot at naglakad na lang kaya sumunod na ako. Why so serious Love-Love ko?
(^~^).Nasabi ko naman na kina Mama na uuwi kami ngayon at kasama ko si Joseph, ang pinagtataka ko lang, hindi siya nagtanong pa. Ganoon din naman kay Joseph, nagsabi na rin siya kay Tita Klarissa na uuwi kami.
Papasok na sana kami ng gate nang may umagaw ng atensyon namin ni Joseph.
Isang babaeng kulay blonde ang buhok ang dali-daling tumakbo at yumakap sa Love-love ko, galing ito malapit sa bahay nina Joseph.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa higpit ng yakapan nila. Babae agad ha? Kenneth Joseph Almazan?
"Gosh, namiss kita Kuya!" Naghiwalay na sila galing sa mahigpit nilang yakapan. Lumipat naman sa akin ang familiar na mata ng babae at maya-maya pa'y nanlaki ang mga mata niya at lumapit sa akin.
"Ate Ysa! My gosh lalo ka pong gumanda. Hala, hindi ko alam gagawin ko! Namiss kita Ate." Naestatwa ako nang salubungin din niya ako ng mahigpit na yakap.
Nanatili lang akong tahimik at iniisip kung kilala ko ba siya dahil pakiramdam ko kilala ko siya.
"Hindi mo na ako naaalala Ate? Magtatampo ako nan, just kidding! Si Katalynna 'to Ate." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Katalynna? As in Katalynna Josephine Almazan?!" Tumango lang siya at ngumiti nang malawak.
"Yes po. Ako po si Katalynna Josephine Almazan, you're pretty little daughter." Namula ako dahil sa pagpapaalala niya sa kahihiyan ko noon.
Mahilig kasi makipaglaro noon sa amin si Ynna nang bata pa siya, at wala naman kaming magawa noon kung hindi ang pumayag sa mga gusto niya.
Sobra niya kasing cute noon, tapos ang kulit-kulit pa kaya laging sinasabi sa amin ni Tita Klarissa na kami na lang ang maging playmate niya. Para raw may kalaro na siya, nababantayan pa siya.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...