Sebby's POV
I know there's something wrong with Sammy...
Ilang araw na namin siyang hindi makausap nang maayos. Lagi rin siyang tulala, tapos nahahalata na rin naming hindi siya nakakatulog nang maayos dahil 'yong mata niya ang proweba.
Gustuhin man naming malaman 'yong problema niya, ayaw naman niyang magsalita.
Naging gan'to lang naman si Sammy pagkauwi niya galing sa date nila ni Ken eh.
Naku! Ang lalaking 'yon! Humanda siya sa akin kapag nakita ko lang siya. Bakit ba kasi may lalaki pa sa mundo? Tinatarantado lang naman nila kaming mga babae eh!
Papasok sana ako sa kusina para uminom ng tubig nang makita ko si Sammy sa harap ng lababo habang nakabukas ang gripo. Dali-dali akong lumapit sa kanya at pinatay 'yong gripo noong nakita kong gusto ata niyang gawing swimming pool 'yong lababo namin.
"Sammy naman! Bumalik ka nga sa katawan mo!" Tinitigan lang niya ako saglit bago binalik sa lababo 'yong atensyon niya kaya sinundan ko 'yong tingin niya, pero wala namang special sa lababo para titigan.
"Samantha ano bang problema? Bakit ka ba nagkakaganyan? Sammy kaibigan mo kami, pwede ka namang magsabi eh." Walang emosyong nakatitig lang siya sa lababo at hindi kumikibo.
"Si Kenneth ba? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan? Sabihin mo sa akin Sammy. Nag-aalala na kami sa'yo Samantha, magsalita ka naman. Si Kenneth ba?" Kahit walang emosyon ang mukha niya, nakita ko pa rin ang pagkislap ng mga mata niya at ang unti-unti niyang pag-iyak.
Lumapit ako sa kanya at yinakap siya habang patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Magdadalawang linggo na ring ganito si Sammy. Hindi ko nga alam kung paano pa rin siya nakakapag-aral nang maayos eh. Nagtanong na ako sa mga kakilala kong kaklase niya pero ayos lang naman daw si Sammy sa klase. 'Yon nga lang, kapag mag-isa siya, bigla na lang siyang magiging ganyan. Matutulala tapos maya-maya iiyak na naman.
"Nandito lang ako, nandito lang kami. Magiging ayos din ang lahat. Tahan na Samantha, alam mo namang nakakahawa ka kapag umiiyak ka 'di ba?" Marahan kong tinatapik ang balikat niya habang nakabaon naman ang ulo niya sa balikat ko. Rinig na rinig ko ang bawat hikbi niya kaya hindi ko mapigilang mahawa sa iyak niya.
Hindi ko nga alam eh. Sa aming lima, kapag si Sammy ang nag-umpisang umiyak damay-damay na lahat. Kapag kasi umiiyak si Sammy nadadama rin namin 'yong sakit. Ewan, siguro dahil bihira lang siyang umiyak kaya gano'n.
"P-Pagod na ako.." Mahina niyang bulong bago tuluyang humagulgol sa pag-iyak. Naipikit ko na lang nang mariin ang mga mata ko at pinagplanuhan kung anong gagawin ko sa hayop na gumawa nito kay Sammy. Humanda siya, humanda lang talaga siya.
"Oh, anong nangyari? Okay lang ba si Sammy?" Kasabay ng pagsara ko ng pinto ng kwarto nina Sammy ang pagdaan ni Sandy.
"Ayon nakatulog sa balikat ko sa kakaiyak." Minasahe ko nang kaunti ang balikat ko bago nagtungo sa sala kasunod ni Sandy.
"Nagkwento na ba sa'yo? Ano raw ba ang nangyari?" Umupo muna ako sa sofa bago sinagot si Sandy ng isang iling. Parehas namang napabuntong hininga sina Sandy, Ky, at Kitty na nakaupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...