Sam's POV
"Ano, yuyuko ka lang ba r'yan Stan? Wala kang sasabihin?" Diyos ko po, rito ata sa batang ito mamumuti ang buhok ko!
"Ano kasi Ate, a-ano..."
"Ano, ano?!" Humawak sa balikat ko si Joseph para paalalahanang kumalma lang ako.
"Stan naman, alam mo namang mahal na mahal ko si Jak!" Mangiyak-ngiyak kong sabi nang hindi pa rin siya makasagot.
"Love-Love naman, nagasgasan lang eh." Pagtatanggol pa nitong ungas na katabi ko.
"Anong nagasgasan lang?! Anak ko 'yang pinag-uusapan natin dito, mapapalitan mo ba si Jak ha, Stan? Kaya mo bang maging motor?!" Tuluyan na akong naluha dahil pumasok sa isipan ko kung gaano kasakit ang dinanas ni Jak.
"Ate si Stan ang mas nasugatan, nabalian pa nga. Sa motor ka pa mas may concern?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aprilyn.
Nilakihan ko lang ng tingin si Stan. Walang magagawa ang bali niyang kamay at mga gasgas sa ginawa niya kay Jak!
"Oo!" Sigaw ko habang umiiyak pa rin. Si Joseph naman hindi na alam kung anong gagawin para patahanin ako.
Tinignan ko ulit kung anong itsura ni Stan. May bali ang kaliwa niyang kamay habang puno naman ng gasgas ang kanan.
"O-Okay ka lang ba Stan? Masakit pa rin ba?"Medyo umaliwas ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Medyo masakit pa Ate-"
"Buti nga sa'yo!" Agad kong sagot. "Ikaw naman!" Lipat ko kay Joseph.
"Bakit binigay mo 'yong susi kay Stan?!"
"Love ikaw ang nagbigay sa kaniya."
"Kailan?!"
"Birthday gift."
Lumipat ako ng tingin kay Stan na pasimpleng nanunuod, agad siyang nagbaba ng tingin. "Binigay ko ba sa'yo?!"
"O-Oo, Ate."
"Bakit mo kinuha?!" Puno ng inis kong sigaw.
Maya-maya pa'y nakarinig ako ng tawanan mula sa likod ko.
"Hay naku, mas malala pa palang maglihi si Samantha kaysa sa'yo Evangielyn." Nagpupunas ng luha dahil sa sobrang pagtawang sabi ni Tita Klarissa kay Mama na nasa gilid niya, nakangiting nanunuod.
Napanguso ako at bumaba ang tingin sa tiyan ko. Grabe ba maglihi si Mommy, baby? Sorry, hindi talaga ako sanay.
Nawala rin naman ang pagnguso ko nang may matanaw akong karga ni Ate Riri papasok ng bahay.
Ibinaba siya ni Ate Riri at hinayaan na tumakbo papalapit sa akin, kay Joseph pala.
"Dada!"
Masama akong tumingin kay Joseph na nagkibit balikat lang at sinalubong ang yakap ni Yce.
"Wala tayong magagawa ako ang love ni Yce." Bulong pa niya.
Nilingon ako ni Yce at sandali akong nginitian bago yumakap ulit sa Daddy niya. Anak nasasaktan si Mommy.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomantizmKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...