Sam's POV
"Dito ka na talaga nag-aaral?" Paulit-ulit na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala e.
Magkasama na kami ngayong nakaupo at paulit-ulit na pinag-uusapan ang pagkapareho ng pinapasukan naming university.
Tumawa siya nang kauti at sobrang cute niya roon.
"Hindi, matagal na akong nag-aaral dito. Hindi mo ba ako napapansin?" Tanong niya.
"Hindi e, sorry. Bakit ikaw napapansin mo ba ako?" Tanong ko sa kanya at uminom ng tubig na baon ko sa bag ko.
"Oo." Direstong sagot niya na nagpaubo sa akin. Shit, muntik na lumabas 'yong tubig sa ilong ko!
"A-Ano?" Pagpapa-ulit ko sa sinabi niya.
"Oo, napapansin kita. Actually lagi kitang nakikita e." Ramdam ko ang matinding pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Baka nakita niya 'yong mga kabulastugan na ginagawa ko rito sa university? Shit lang!
"Napapansin kita lagi rito sa pwestong 'to nagbabasa ng libro, kapag hinihintay mong umuwi 'yong mga kaibigan mo." Sinabi niyang nagpadagdag sa pamumula ko.
"Nakita rin kita, maybe thrice? Sa apartment na pinagtutuluyan ninyo ng mga kaibigan mo." Dagdag niya. Feel ko ako na ang bagong basehan ng kulay na 'pula'
"Paano mo ako nakita sa a-apartment." Kinakabahang tanong ko.
Baka kasi napansin niya ako noong tinatakot ko 'yong mga batang naglalaro sa tapat ng apartment namin e. Nakakahiya gulo-gulo kasi yung buhok ko noon tapos hilig ko pang magsuot ng malalaking damit. Ganoon ang normal kong damit e.
"Una, 'yong bumili ka sa sa tindahang nasa tapat ng apartment ninyo, nakasabay mo pa nga ako noon e. Pangalawa, 'yong nagdidilig ka ng halaman ninyo, tapos napadaan ako sa tapat mo at bigla mo akong natalsikan ng tubig sa mukha, pero okay lang 'yon. Pangatlo, yong pauwi ka na tapos may kasama kang lalaki. Is he your boyfriend?"
Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko 'yong mga sinasabi ni Francis. 'Yong is he your boyfriend lang.
"Sino?" Nagtatakang tanong ko.
"Iyong lalaking kasama mo noong Lunes ata, noong pauwi ka na? Boyfriend mo ba 'yon?" Si Marky?
Si Marky lang naman ang nakasabay ko umuwi na lalaki e.
"H-Hindi. Wala ako boyfriend." Tanggi ko na sinabayan pa ng iling.
Ako lang ba o nakita ko siyang ngumiti? Nag-aasume na naman ata ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/160745902-288-k682357.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...