Kabanata 3: A THREAT FROM THE STRANGER

171 5 0
                                    

A Threat From The Stranger.
- - -

         NAG-ISANG linya ang kilay ko nang madatnan ko si Raki sa loob ng office ng umagang iyon. Mabilis akong nagmamartsa ako palapit sa desk ko habang prente siyang nakaupo sa couch at abala sa pagkalikot niya sa cellphone niya.

"Kanina ka pa hinihintay ng kapatid mo," sitsit sa'kin ni Aina na sumandal pa sa gilid ng table pagkatapos kong mailapag ang bag sa ibabaw ng desk.

Sandali ko siyang nilingon. "Bakit nandito ka? Hindi ka pa ba magbubukas ng shop mo?"

"Hindi muna. Tatambay muna ako rito sa resort balita ko kasi marami kayong foreigner na guest."

Napailing na lang ako at muling bumaling kay Raki. She's still busy on her phone and even wearing an earphone kaya nagpasya na lang akong lapitan siya. 

Napatigil siya sa ginagawa nang mapansin ang pares ng itim kong pumps sa kanyang harapan. Inalis niya ang suot na earphone at tumingala sa'kin. "Ate Clari, kanina ka pa ba dumating?"

I crossed my arms, eyed her with a straight face. "Kararating ko lang. Bakit nandito ka sa office? May pasok ka hindi ba?"

"Holiday pala ngayon, nakalimutan kong wala pala kaming pasok kaya naisipan kong dito na lang tumambay."

"Marami tayong guest sa resort. Hindi ka pwedeng tumambay rito sa resort baka manggulo ka lang sa mga staff. I'll drive you home, doon ka sa bahay tumambay," I said with knitted brows. 

Nagkibit-balikat siya at itinagilid ang ulo. "Pshh! Nagsusungit na naman po siya. Bakit ba ayaw mong tumatambay ako sa resort?"

"Because you're too nosy."

"Tss...may dalaw yata..."

"May sinasabi ka ba?" Pinameywangan ko siya pero nakakalokong ngumiti lang siya sa'kin.

"Wala. Ang sabi ko, daan muna tayo sa convenience store bago tayo umuwi. Bilhan mo ako ng Rocky Road Ice Cream."

I exhaled a defeated sigh. "Okay, hintayin mo na lang ako sa sasakyan."

Tumayo na si Raki at nauna nang lumabas. Samantalang bumalik naman ako sa swivel chair para kunin ang bag ko.

Tumingin ako kay Aina. "Babalik rin ako kaagad. Ihahatid ko lang si Raki."

"Okay. Bili ka rin ng pizza at ice cream pagbalik mo. Dito ko na lang babayaran."

"My gosh, Aina! Talagang uutusan mo pa ako? Ang lapit lang ng bilihan ng pizza dito. Magpautos ka na lang sa bellboy o magpagawa ka na lang kay Manang. Marami ring ice cream sa baba," I firmly furrowed my brows at her. Umingos lang siya.

"I'm leaving," sabi ko at nagmartsa na palabas ng office ko.

Naabutan ko si Raki na nakahalupkipkip at nakasandal sa gilid ng itim kong Audi.

"Tara na," yaya ko.

Sabay kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Nasa front seat si Raki at sa driver's seat naman ako.

I know she wanted to drive, but I won't let her until she earns her own car. Siya lang ang nag-iisa kong kapatid. May naitabi naman ang mga magulang namin bago sila nawala, sa'min din naman napupunta ang halos lahat ng kita ng resort pero ayokong masanay siya sa mga luho. Gusto kong matuto siya na paghirapan ang mga bagay na gusto niyang makuha.

I want her to learn how to be independent, dahil darating ang araw na kailangan niyang mag-isa...

"Ang lalim naman ng iniisip mo, Ate Clari. Kausapin mo kaya ako nang hindi naman mapanis 'yang laway mo. Hay naku, kaya ayaw kitang kasama paminsan-minsan, ang boring mo."

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon