Kabanata 51: SAME FEELING

66 0 0
                                    

SAME FEELING...
- - -

After six months...

Madrid, Spain.

  “PILIT mong tinatalikuran ang nakaraang paulit-ulit kang binabalikan..."

Mahina ngunit matinis na boses ang pumuno sa kaninang tahimik na silid.

Naningkit ang mga mata ko nang sumalubong sa'kin ang maliwanag na sikat ng araw pagkatapos kong hawiin ang makapal na kurtina sa glass window. Sumisilip ang papalubog nang araw sa pagitan ng mga naglalakihang istruktura ng siyudad.

“Are you ready to reveal the hidden meanings in your painting?" Sumusunod ang lagutok ng takong nito habang papalapit ito sa kinatatayuan ko.

Sumimsim ako ng wine mula sa champagne glass na hawak ko nang makita ko ang pag-ngisi niya sa kanyang repleksyon sa glass window.

Umikot ako paharap sa kanya. “Ilang ulit ko bang sasabihin na it's just an art for me. I'm not Leonardo da Vinci to paint such a mysterious artwork. Tigil-tigilan mo ako sa mga secrets na 'yan, Cherry, dahil wala naman talaga.” 

Sinaid ko ang natitirang wine sa champagne glass saka ako naglakad pabalik sa couch. Inilapag ko ang wine glass sa ibabaw ng center table.

“I'm going home. Just call me if you have anything else for me to do, I'm just at the apartment." I grabbed my bag from the couch.

"Fortunately everything is fine now. I don’t need your help right now. Thank you for all of your hard work. Now you have the entire week to do whatever you want."

“Okay,” I stared at her with a poker face pero agad rin iyong napalitan ng pagkunot ng noo ko nang inismiran niya ako.

"Even if you don't admit it…" Cherry is running her thumb along the border of the landscape painting. “Alam ko na mahal mo pa rin siya. Umiiwas ka kapag papunta na sa kanya ang usapan kasi nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon.”

I pressed my lips together lalo na nang mapatingin ako sa painting pagkatapos niyang ilapag iyon sa center table.

“Don't start with me, Cherry! Please, don't.” I quickly made my way to the office door, but before I could fully exit, I faced Cherry again. “Tama ka, iiwas ako hangga't kaya ko, kasi iyon lang ang kaya kong gawin. Kaya ikaw Cher...huwag na huwag kang magmamahal ng taong hindi ka naman mahal. Huwag na huwag mo ring sasaktan ang taong magmamahal sa'yo kasi masakit...”

I shut my eyes tight when I felt a pang in my heart. What happened six months ago still gets to me. I can't seem to shake off the feeling of guilt. I messed up big time, but because I'm trying to protect myself from criticism, hindi ko kayang sabihin iyon sa iba.

“Mas masakit pa kapag sumakit ang ngipin mo...” Iyon lang at tinuloy ko na ang napintong pag-alis.

If Cher only knew what I really feel at this moment...

Mabibilis ang mga hakbang ko habang tinatahak ang hallway nang tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko iyon sa bag ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pangalan sa screen. Napalunok ako, nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba o hindi.

Pinili ko ang huli. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa parking lot. Hinayaan kong tumunog nang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ng taong iniiwasan ko pa rin hanggang ngayon.

Not now Raki...hindi ko pa kaya...

* * *

      SUNOD-SUNOD ang ginawa kong pagsimsim sa wine glass na hawak ko habang binubusog ang mga mata sa tanawing hindi na bago sa'kin.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon