She Who's First.
- - -
"HEY, can you explain to me how we ended up here?" Namumungay ang matang lingon ni Aly kay Star.
"Don't call me HEY… I have a name, and it's freaking STAR."
Napailing na lang ako sa dalawa. Namumula na ang mga mukha nila sa kalasingan at sigurado akong ganoon na din ang sa'kin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa snifter na hawak ko na hindi ko pa nakakalahati ang laman. Napaisip rin ako sa tanong ni Aly.
Hindi ko rin lubos maisip kung bakit kami nakarating dito sa bar na magkakasama. I wasn't expecting this, but what happened earlier was a big slap in my face.
Habang hinahalikan ko siya sa harap ng mga bisita, hinawakan niya ang balikat ko at itinulak ako palayo sa kanya.
Laglag ang panga...natulos na lang ako kinatatayuan ko nang mabilis niya akong iniwan sa gitna para sundan si Cleah na nagtatatakbo palabas.
Nag-init na naman ang sulok ng mata ko. It hurts that he chose to comfort Cleah over me. I swallowed my pride. Ipinahiya ko ang sarili ko sa harap ng maraming tao, pero balewala lang 'yon sa kanya. He walked away from me and ripped my heart to shreds.
"Hey, don't think too much. Just forget what happened earlier."
I shrugged my shoulders and directed my eyes to Aly. Right. I was so brokenhearted earlier that I let them see me cry.
I still can't believe I went to this crowded and loud bar with two people I didn't expect to get along with—Aly and Star—and had a girl talk with them.
"Don't feel so guilty…what you did earlier was just right. At least she already knows that it won't be easy for her," said Aly.
"I don't feel guilty...I'm just..." Isinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. Wala na akong pakialam kung masira man ang make-up ko. "I'm ashamed of what happened." I continued.
"You made a sure headline for lifestyle and entertainment news. Iniisip ko rin kung anong magiging reaksyon ni Mom kapag umabot sa kanya ang eskandalong ginawa mo. The famous general manager of Casa de Gallego kissed the CEO of MIT Solutions." Mapanuyang saad ni Star.
"Wait! That's too long for a headline."
"Shut up! I'm not a journalist, I'm just saying." sikmat ni Star kay Aly.
I lifted my face. Tinitigan ko ang dalawa gamit ang namumungay ko na ring mata. Nasa wisyo pa naman ako pero may mga bagay na akong hindi makontrol dahil medyo umiikot na ang paningin ko.
Damn! Naramdaman ko ulit kung paano malasing nang ganito pagkatapos ng ilang taon…
***
"ATE Clari? Ate Star?"
With my blurred eyesight, I saw Raki staring worriedly at both me and Star. I'm not sure how we got here at the mansion. I only remember hearing Aly talking on her phone, and presto! We're here already!
"S-Salamat po sa paghatid sa mga Ate ko... sino po sila?"
"Family driver po ako nila Ma'am Aly. Ipinasabay niya na lang po ang mga kasama niya para ihatid dito."
"Ganoon ho ba? Sige po, salamat po."
Napaungot ako nang hindi ko na narinig ang boses ng lalaki.
Mayamaya ay naramdaman ko ang paghawak sa'kin ni Raki sa balikat ko. Umiikot ako paningin ko, but I'm still conscious na si Raki ang umalalay sa'min ni Star. At dahil dalawa kami ni Star na sinusuportahan niya, pagewang-gewang kaming pumasok sa loob ng mansyon.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Roman d'amour"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...