Kabanata 8: DRUNKEN; BROKENHEARTED

83 2 0
                                    

Drunken; Brokenhearted.

- - -

"SIGURADO na ba kayo rito, Ms. Gallon?"

Inilapag ko sa ibabaw ng table ang resignation letter at tumingin kay Mrs. Gallon na nakaupo sa harapan ng table ko. "Pwede n'yo pa namang pag-isipan pa ulit ito. I know you have an important reason why you came up with this decision, but is it really necessary for your immediate resignation?"

She gave me a small smile. "I'm sorry, Ms. Clari pero buo na po talaga ang desisyon ko na mag-immediate resign. Naayos na po kasi ng asawa ko ang mga papeles na kailangan namin para sa migration sa Canada. Sa Lunes na po ang nakatakda naming pag-alis."

Bumuntong-hininga ako. "Kung iyan na po talaga ang desisyon n'yo...wala na talaga kaming magagawa ng operation team."

"Ang totoo niyan, nahirapan din talaga ako sa pagdedesisyong ito. Dapat nung last month pa ako nag-file ng resignation kaya lang nahihiya lang ako sa inyo lalo't nasa peak season pa ang resort. Matagal na akong nagta-trabaho sa resort na 'to kahit noong buhay pa ang Lolo Giddeon n'yo. Kahit kailan ay wala kayong ipakitang hindi maganda sa'kin o kahit sa mga kasamahan ko. Napakabait ng pamilya n'yo..." Ginagap ni Mrs. Gallon ang kamay ko sa ibabaw ng table. "Kung hindi lang talaga dahil sa asawa ko ay hindi ako magre-resign...sorry talaga, Ms. Clari."

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Mrs. Gallon. "Hindi n'yo kailangang humingi ng sorry, Mrs. Gallon. In any instance, family matters the most kaya nirerespeto namin ang desisyon n'yo."

"Salamat sa pag-unawa, Ms. Clari." Tumayo na si Mrs. Gallon sa upuan. "Mauna na ho ako, aayusin ko lang ho ang mga naiwang gamit ko sa opisina."

Tinanguan ko siya bago niya ako tinalikuran at nagsimulang maglakad palabas ng opisina pero bago pa siya tuluyang makalabas ay nagsalita ako.

"Thank you, Mrs. Gallon for being a part of the resort's second success."

Nakangiting lumingon siya sa'kin. "You're welcome, Ms. Clari. Sana talaga ay magka-boyfriend ka na."

Agad na nag-isang linya ang kilay ko. Magsasalita pa sana ako pero tuluyan nang nakalabas si Mrs. Gallon. 

Napailing na lang ako. Why are these people pushing me to have a boyfriend? 

So...ako ang tipo mo?

Ipinilig ko ang ulo ko nang sumagi sa isip ko ang mga ginawa ni Kade kagabi. "You're such a good liar, Kade. As if I don't have an idea na ginagawa mo lang ang mga iyon para makalapit kay Raki—"

"Ahm...Ms. Clari..."

Mabilis akong napatayo mula sa swivel chair nang marinig ang pagtikhim ni Janna sa harapan ko.

My gosh! Did she hear that? 

"A-Ano..." tumikhim ako para alisin ang utal ko mula sa pagkagulat. "May sasabihin ka ba?"

"Ms. Clari, lunch time na. Magpapahatid na lang ba kayo ng pagkain? Hindi kasi kayo sumasagot sa intercom kaya pumasok na lang po ako."

Kunot ang noong sumulyap ako sa digital clock sa gilid ng table ko. Lunchtime na nga pala. Bumalik ang tingin ko kay Janna. "No need. Sa baba ako kakain."

Nagpaalam sa'kin si Janna bago lumabas siya ng opisina. Sumunod rin naman ako sa kanya makalipas ang ilang minuto.

Sa veranda ako kumain ng lunch kasabay ng mga staff. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto roon para magpababa ng kinain saka ako muling bumalik sa office ko.

Habang nakasakay sa elevator paakyat sa office ko ay napapikit ako sa biglaang pagsigid ng kirot sa sentido ko. Masakit iyon na parang pinukpok at pinatungan ng malaking bato. I managed to go back to my office with my throbbing head. I rushed towards my table where there's mini drawer below to get a med for migraines.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon