Superman.
- - -PINARADA ko ang sasakyan sa harap ng shop. Kagagaling ko lang sa Astoria Dines and had my lunch with Mrs. Danzell.
She offered to invest in Gallego Garden, and I accepted. Wala naman sigurong masama kung susubukan. Besides, I'm tracking her past investments with other small businesses, and she's a good investor. She's a good business partner. That's what I heard from her former business partners. I think I just need to trust and give her a chance.
Nang makababa, tumigil muna ako sa harap ng shop. Pinasadahan ko ng tingin ang labas nito, mula sa brick wall, sa glass window paakyat sa sign board na naka-display sa itaas ng sliding door. Written on a pot-shaped wooden board is Gallego Pottery and Ceramics.
I couldn't help but smile. I started this shop when I was still an apprentice at Casa de Gallego. Driven by my passion for arts, napatayo ko ito, of course, with Lolo's help. He even challenged me, saying I have to keep this shop until I get married. I accepted and even promised na iyon ang goal ko—to keep this place.
Iyon pa rin naman ang pinanghahawakan ko kahit hindi naman ganun kalaki ang kinikita ng shop na ito. Mangilan-ngilan na lang kasi ang nakaka-appreciate ng pottery making.
Mula sa glass window ng shop ay nakita ko si Jill na may kausap na dalawang customer. Malawak ang naging ngiti niya nang mapalingon siya sa labas at nakita akong nakatayo sa harap. Kumaway siya sa'kin na agad ko namang tinugunan bago siya bumalik sa pakikipag-usap sa customer.
Humakbang ako papasok sa sliding door. Nakasalubong ko pa nga ang dalawang customer ni Jill na papalabas ng shop.
"Welcome back, Ms.Clari!" Masiglang salubong sa'kin ni Jill pagpasok ko sa loob ng shop. Sumunod rin sa kanya ng ilang trainees kong naroon rin.
"Good afternoon, guys. Kumusta kayo?" I greeted them as I smiled warmly. Na-miss ko sila, dahil halos tatlong linggo ko silang hindi napuntahan.
"Ms. Clari, nandito na kayo. Ang tagal n'yong hindi nagpakita sa'min," nakalabing sabi sa'kin ng isang trainee ko. Ganun din ang ginawa ng ibang trainees nang tingnan ko sila isa-isa. They all wearing hairnet and apron.
Tipid akong ngumiti. "Pasensya na, guys kung ngayon ko lang kayo ulit na-meet. Marami lang kasi along inasikaso sa resort nitong nakaraang linggo."
Lumapit ako sa estante roon na pinagsasabitan ng mga apron at lagayan ng mga gamit. Itinali ko ang buhok ko at nagsuot ng hairnet. Inalis ko rin ang wristwatch ko at itinago iyon sa harapang bulsa ng apron.
"Okay lang, Ms. Clari. Naiintindihan naman po namin na busy kayo sa resort."
"Thank you for understanding, guys. And thank you also for behaving kahit si Ate Jill lang ang kasama n'yo this past few weeks. I'm certain na hindi n'yo pinasakit ang ulo niya," I grinned.
"Hindi po!" They all giggled in chorus.
"Naku! Kayo talaga! Mga pakitang-tao. Ang kukulit n'yo kaya sa activities natin," naiiling na komento ni Jill sa tabi ko.
Natawa na lang ako sa narinig.
"Ms. Clari, nasaan po si Ate Raki? Bakit hindi n'yo siya kasama?" mayamaya'y tanong sa'kin ng isang trainee.
"Nasa school si Raki, may exam siya ngayon," nakangiting sagot ko.
"Ganun po ba? Kailan siya ulit pupunta dito?"
"Siguro kapag hindi na siya busy sa school," dahilan ko. Of course, I can't tell them that Raki doesn't want to come here because she finds pottery boring. Wala siyang interes at tiyaga sa ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romance"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...