Kabanata 33: MISSED

61 1 0
                                    

MISSED.
- - -

   "JUST send me the email, I'll check it later. Thank you, Dean."

Ibinaba ko na ang tawag sa intercom saka ako bumalik sa table ko. Sinulyapan ko ang monitor ng macbook para tingnan kung nag-reply ba si Star sa chat ko but there's none. She's ignoring me, but it's okay since she'll be back here tomorrow. She doesn't have a choice, but to face me.

Sandali kong tinitigan ang monitor hanggang sa kusa nang gumalaw ang mga daliri ko para puntahan ang isang searching website. I typed someone's name. Seconds later...bumulaga sa'kin ang iilang articles at litrato niya. Even with her stolen shots, she just too gorgeous.

I skimmed some articles about her. Nalaman kong anak siya ng isang mayaman na senador. She's the only daughter and the one who will inherit hectares of land in...Aurora...

      "HOY! Back to Earth, CC. Ako lang 'to!" Malakas na untag sa'kin ni Aina sa sandaling pagkatulala ko dahilan para magawi sa'min ang atensyon ng mga empleyado ko at iilang customer sa loob ng restaurant.

Nandito kami ngayon sa restaurant na malapit sa golf field. One hour before my out, she came here para yayain akong mag-Meryenda na talagang sinadya niyang dito sa resort para lang makalibre ng pagkain. Her way of practicality.

"Pasensiya na." She faked an apologetic smile to them bago bumaling sa'kin. "Grabe 'tong mga taong 'to. Para namang krimen ang ginawa kong pag-iingay rito."

"Na hindi naman dapat. This is a high class restaurant and your manner should matter."

Her lips twitched for a smirk. "I'm so sorry...Ms. General Manager. Should you forgive me for misbehaving inside this high-class restaurant."

Sumusukong napabuntong-hininga ako.

"That's too deep."

Serysoso ko siyang tiningnan. "Aina... please. Pagod ako."

Nginisihan niya lang ako. She sipped on her straw while still staring at me. Napapakunot ang noong inilingan ko na lang siya.

BINASAG ko ang katahimikang bumalot sa pagitan naming dalawa habang nakatuon siya sa kanyang pagkain.

"Ains."

"Oh?" nag-angat siya ng tingin sa'kin.

Nagtagal muna ang tingin ko sa kanya bago ako nagsalita.

"I want to drink," seryosong wika ko.

Her eyes suddenly gleamed in amusement, forming a big O-shape in her mouth. "Para magyayang mag-inom, stress ka nga, CC."

Lumabi ako. "Ayaw mo?" Alright! This isn't me.

Samantala, mas lalong nagliwanag ang mata ni Aina habang nakatitig sa mukha ko.

"Of course, I like it! Once in a blue moon ka lang magyaya sa'kin nang ganyan, papalampasin ko pa ba?!" Tumayo na siya at hinatak na rin ako patayo. "Let's go! Saan tayo?"

"Mansion."

Unti-unting dumilim ang mukha niya. "Eww...so cheap!"

Kumamot ako sa leeg ko at alanganin siyang tiningnan.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Tara sa bar."

"Not that place," mahinang tutol ko.

"Don't worry. Ibang bar 'to. Hindi ito bar na puro usok," she grinned.

Nagpatianod na lang ako sa kanya nang hilahin na niya ako palabas ng restaurant.

     I was left speechless nang tuluyan na kaming makapasok sa Salguero Bar. Naririnig ko ang pangalan ng bar na ito na isa sa pinakasikat na bar dito sa Santi Tierra pero ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapasok ako rito.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon