Kabanata 29: LIED

56 1 0
                                    

LIED.

- - -

PAGBALIK namin sa hotel, sa opisina ko kami tumuloy ni Lars. Nagpalit lang kami roon at lumabas na ulit.

"In fairness, I enjoyed playing golf. I'll be back here if I have free time to play with you," ani Lars nang makapasok na kami sa loob ng elevator.

“Sure,” ngiti ko. “But maybe you would also like to check my pottery shop.”

“Of course! Excited na akong makita ang mga designs mo roon.”

“You must also create your own custom-designed pot."

“I don't know how to,” alanganing ngiti niya.

“My students can teach you.”

She arched an eyebrow. “Are they good?”

“Yes. They're really good.”

Lars burst out laughing. “Okay. Susubukan kong makabalik dito. Maybe...next month...”

* * *

“King!” tawag ni Lars kay Kade nang maabutan namin siya pagkababa namin sa lobby.

Lumingon siya sa gawi namin kapagdaka'y malawak na ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Ngumiti rin ako sa kanya habang pinakikiramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.

May sinabi siya kay Dean na ikinailing ng huli bago siya umalis sa reception desk para lumapit sa'kin.

“Hi...” He stopped in front of me, ignoring his cousin who was standing beside me.

I stared at him with a serious expression. “You're drunk." He smells like alcohol, so I am pretty sure he is drunk.

Alanganin ang ngiting napahimas siya sa kanyang batok. “Sorry...dumaan kasi ako sa condo ni Yllak. Tapos nagkayayaan kaming uminom.”

I locked my gaze on his face. “Just the two of you?”

Marahan siyang tumango. “Oo. Kami lang dalawa.”

“Okay.” tanging nasabi ko na lang.

“King?” muling tawag sa kanya ni Lars.

“Ano?” salubong ang kilay na baling niya sa kanyang pinsan.

Nginisihan siya ni Lars. “Your girlfriend is right in front of us, King, so you need to treat me well."

Sinimangutan niya ito. “Bakit ka nandito?”

“I'm just here to say hello to Clari.”

He made a tongue click. “Ginugulo mo ang tao sa oras ng trabaho niya. Dinaig mo pa ako.”

“Ahm, it's okay, Kade. Wala naman akong masyadong ginagawa ngayon,” singit ko sa usapan nila.

“See? Hindi ako nanggugulo.” Tinaasan ng kilay ni Lars si Kade.

Blangkong tiningnan lang ito ni Kade saka bumaling sa'kin. Pero kaagad na nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang kalmot sa gilid ng leeg niya.

“What happened to that?” tanong ko sa kanya.

“Oh my gosh! That's not a catscratch!” ani Lars na matalim na tiningnan ni Kade.

“Who did that?”

“Aksidenteng nakalmot 'yan ni...ano..ni Aly,” alanganing saad niya.

My eyes squinted at him. “You said na dalawa lang kayo ni Yllak. Bakit may Aly?”

Kinalabit ni Lars si Kade dahilan para mapalingon ito rito.

“You're dead, King,” ismid ni Lars.

Dumilim ang mukha ni Kade pero nawala rin ito nang bumaling siya sa'kin. He peered into my eyes, embarrassed.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon