New Client.
- - -"GOOD morning, ma'am."
Malawak ang ngiting salubong sa'kin ng isang waitress pagpasok ko sa Astoria Dines.
I smiled back. "Uh, I have an appointment meeting here with Mrs. Dalzell."
Tumango sa'kin ang waitress. She didn't bother asking me further question dahil kilala na ako nito dahil dito madalas ang meeting place namin ni Mrs. Dalzell.
"Wala pa po si Mrs. Dalzell pero nagbilin siya sa'min na kung sakaling nauna kayong dumating, dalhin na lang po namin kayo sa table na ini-reserve niya. This way po, miss." Pormal na ngumiti ang waitress saka ako iginiya papunta sa table na ini-reserve ni Mrs. Dalzell.
Tahimik lang akong nakasunod sa waitress hanggang sa huminto kami sa isang two-seater table na sa tabi lang ng glass wall.
"Thank you." Kaswal ang ngiting binalingan ko ang waitress. Inilapag ko ang bag ko sa upuan at umupo na.
She smiled. "Mag-o-order na po ba kayo?"
"Not yet. I'll just wait for Mrs. Dalzell."
Nag-excuse muna sa'kin ang waitress bago ako nito iwanan.
"I'M really sorry to keep you waiting, hija," Mrs. Dalzell said with her apologetic face.
After five minutes of waiting for her, sa wakas ay dumating na rin siya.
I half-smiled. "It's okay, Mrs. Dalzell."
Umupo na si Mrs. Dalzell sa katapat kong upuan. Lumingon siya sa kanyang likuran nang mapansing lumampas ang tingin ko roon.
"Oh! I almost forgot. Iyong taong binanggit ko sa'yo...she can't make it today. She called me earlier and said that there's an emergency in her condo," aniya nang humarap na ito sa'kin.
Ngumiti lang ako.
Ilang saglit pa ay bumalik na ang waitress sa table namin ni Mrs. Dalzell para kunin na ang mga order namin bago namin simulan ang usapan.
"Regarding my proposal project for Gallego Garden..." Tikhim ni Mrs. Dalzell para kunin na ang atensyon ko.
We just finished our lunch, and we're about to start our one-on-one meeting.
"I already saw that, and I think that's a good project for Gallego Garden." komento ko.
Expanding Gallego Garden is good since Mrs. Dalzell will be the one who offers to manage it. Although the market share is still 60-40% and demand from the flower industry is seasonal, she still wants to be a part of it. Not because it's about business, but the real thing is that gardening was one of the fields she wanted from the start. It's just that na wala pa siyang makitang potential partner niya para sa ganoong business until I told her about Gallego Garden when we first met in a social gathering. Isa siya ng isa sa mga naging kliyente namin sa Mango Farm.
"You sure, hija that you're letting me manage it?" she asked me hesitantly.
Tumango ako. Pabor naman sa'kin 'yon dahil hindi ko naman 'yon masyadong natututukan. I can't expect Star, even Raki to be interested in this since both of them were not.
Kumislap ang mata niya. Ginagap niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "I assure you, hija. I'll take care of the Gallego Garden." She smiled with sincerity evident in her eyes.
Hindi ako madaling magtiwala sa mga investor pero iba ang pakiramdam ko kay Mrs. Dalzell. Magaan ang loob ko sa kanya. Siguro ay dahil nakikita ko sa kanya si Mama...
* * *
ALAS TRES NA NG HAPON nang makabalik ako sa resort dahil dumaan pa ako sa Pottery Shop pagkatapos kong samahan si Mrs. Dalzell sa G.Garden.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romance"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...