SAVIOUR.
- - -
"OH MY GOSH! Not now, please!"
Nahampas ko ang manibela nang biglang tumirik ang sasakyan ko sa isang bahagi ng kalsada. Alam kong hindi na talaga maganda ang kondisyon ng sasakyan ko bago pa man ako umalis sa restaurant, pero hindi ko inakala na talagang bibigay ito sa daan.
"Ang tanga mo talaga, Clari!" Gigil kong bulong at halos sambunutan na ang sarili ko.
I rolled down the window next to the driver's seat where I'm sitting. Dumungaw ako mula roon at iginala ang paningin sa paligid.
I almost fainted from fear when I noticed those tall trees surrounding me. If it isn't the headlights of my car that give light to one part of the road, it's totally dark around!
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok sa takot. I'm afraid of the dark. Even the chirping of crickets and night birds is slowly freaking me out!
"Oh my gosh, this place drives me insane!" I quickly shut the windows and locked myself inside the car, but I could still hear that creepy sound!
"Can someone help me get out of here?!" I searched my bag for my phone, only to almost lose myself after I found out that the battery was already drained!
"Darn—" Napatigil ako nang masilaw ako mula sa headlight ng paparating na big bike. It's heading in my direction, which gives me hope.
Dumukwang ako sa windshield, trying to see the person behind the wheel, but I couldn't. I couldn't look at it straight because the light from the headlights is too bright. It's hurting my eyes.
Palapit nang palapit ang big bike sa sasakyan ko at parang musika sa aking pandinig ang ingay na nanggagaling sa makina nito.
Tila nag-slow motion sa akin ang pagtigil ng isang abuhin at magarang big bike sa gilid ng sasakyan ko.
I jolted as I heard the knock on the car's window. Sa nanginginig na mga kamay, unti-unti kong binaba ang bintana para silipin ang taong nasa labas.
"Miss, okay ka lang? Mukhang nasiraan ka ah." Ang baritonong boses mula sa taong matikas nang nakatayo sa tapat ng bintana ang sumalubong sa'kin.
Natatakpan ang kalahati ng mukha nito sa suot nitong itong itim na face mask. Sa ilalim ng leather jacket nito, may suot itong itim na T-shirt na nakatatak sa kaliwang dibdib ang pangalang TREVOR. Glow-in-the-dark iyon kaya talagang kapansin-pansin.
Dumungaw ako sa bintana. Nakita kong sumandal ito sa big bike na halos isang metro ang layo sa sasakyan ko.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako masamang tao. Baba ka na, ayusin natin 'yang sasakyan mo." Humalukipkip ito na tila nag-aabang sa mga susunod kong gagawin.
"P-Paano..." Napalunok ako nang subukan kong tumingin sa mukha ng estranghero. "Paano ako nakakasiguro na hindi ka nga masamang tao?"
The man grinned at me, as if it's the most attractive grin I'd ever seen. "Kung hindi ka kampante sa'kin, I can show you my NBI Clearance."
Saglit itong lumingon sa gilid at itinuro ang compartment ng bike kaya napansin ko ang mahabang buhok nito na nakatali ng itim na goma.
My forehead wrinkled. Hindi talaga maganda ang impresyon ko sa mga lalaking may mahabang buhok. To me...it demonstrates poor hygiene.
"Hindi ako masamang tao, miss... kung iyan ang iniisip mo. I'm just here to offer you a help." Tumayo ito at lumapit sa bintana kung saan ako nakadungaw.
"I'm pure—I mean, I'm a good man..." he slyly said.
Napapinid ako ng labi nang mapako ang mata ko sa nangingintab nitong mata. May kung anong pakiramdam ang muling bumalik sa'kin nang magtama ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romansa"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...