Persistent Stranger.
- - -
NAPAIGTAD ako mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror nang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng kabinet. Mabilis ko iyong dinampot sa pag-aakalang si Aina o si Tita Roma ang tumatawag pero pangalan ni Kade ang nasa screen.
Nagsalubong ang kilay ko. Wala akong naalalang ni-save ko ang number niya sa contact list ko.
"Kade," malamig na bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.
"Yes, Clarity. It's me. Ang gwapo mong manliligaw." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Anong kailangan mo?" sikmat ko.
"Bumaba ka. Nandito ako sa labas ako mansyon n'yo."
My nose wrinkled. "Anong ginagawa mo sa labas?"
"Basta."
Tumayo ako at sinilip siya mula sa double-glazed window ng kwarto ko. Nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng sasakyan niya, nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa cellphone niya sa tapat ng kanyang tainga.
"I can see you from here."
Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang kumaway sa'kin si Kade. Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa bintana kung saan ako nakasilip.
How did he know that I'm watching him from the window?
Nagsuot muna ako ng roba bago ako bumaba. It's a peach silk robe that reaches between my knees. I also wear a pair of pink flipflops. Itinali ko ang medyo magulo kong buhok habang pababa ako ng hagdan.
Lumawak ang pagkakangisi ni Kade nang makita na niya akong naglalakad palapit sa gate.
"What brings you here at this time?" kalmadong tanong ko na binuksan ang gate at lumabas mula roon.
Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa'kin. "Gusto lang naman kitang kamustahin."
I frowned. "Really, Kade? Eh kagabi nga lang tayong huling nagkita."
"Exactly my point. Kagabi nga lang tayo huling nagkita, pero na-miss na kita agad nung nasa Aurora ako."
Natahimik ako sa narinig. Tumingin ako sa gilid at hinimas ang braso ko habang pinapakiramdaman ang biglaang pag-rigodon ng puso ko.
"Speechless?"
Pinanayuan ako ng balahibo nang tumama sa pisngi ko ang mainit niyang hininga.
Nararamdaman kong isang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa kaya marahan ko siyang nilingon. Sinalubong ako ng seryoso niyang mukha habang nakatuon ang kanyang mata sa balikat kong natatakpan ng roba.
Naipinid ko ang labi ko hanggang sa marinig ko siyang magsalita.
"Let me check your wound." Bahagyang binaba ni Kade ang isang laylayan ng roba ko na ikinalaki ng mata ko!
I'm not wearing any bra under my black pajama tank, for Pete's sake!
"What do you think you're doing, Kade?!" Pumailanlang ang malakas na boses ko nang malakas kong hinawi ang kamay niya. Umatras ako at namumula ang mukhang tumingin sa kanya.
Kade eyed me with a puzzled look. "Anong problema mo? Tinitingnan ko lang naman kung maayos na ang sugat mo."
"You just can't do that!" I hissed. I folded my arms, blocking my chest as I embraced my body.
"Do what?" Bakas sa tinig niya ang bahagyang pagkairita.
I equalled his intense eyes. "You can't just approach and touch women's clothes like that."
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romance"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...