Kabanata 9: DANGEROUS ACT

100 2 0
                                    

DANGEROUS ACT.

- - -

TUMUNOG ang elevator, hudyat na nasa ground floor na ako. Sa pagbukas ng elevator ay bumulaga sa'kin ang nakakabinging katahimikan at halos madilim na basement parking.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako humakbang palabas. I ignored the sudden chill down to my spine as I started walking toward the space where I parked my car.

Psst...

Sandali akong tumigil at pinakiramdaman ang paligid. Hindi ako maaaring magkamali, alam kong bulto ng isang tao ang nahagip ng mata ko nang mapatingin ako sa gilid. Hindi ito katangkaran pero malaki ang katawan.

Mabilis akong lumingon sa likod ko nang makarinig ako ng kaluskos mula roon.

"Magandang gabi, ganda."

Agad akong pinanlamigan ng katawan nang bumungad sa'kin ang mala-demonyong ngisi ng isang lalaki. His big eyes were sparkling as a predator who just found a prey.

Napaatras ako nang magsimula itong lumapit sa'kin. "S-Sino ka? W-What do you need from me?" Nanginginig ang kalamnan ko sa takot lalo na nang maglabas ang lalaki ng baril.

Mabilis itong lumapit sa'kin at mahigpit akong hinawakan sa braso. "Huwag kang sisigaw! Kundi ipuputok ko ito sa bungo mo!" Banta nito na parang asong ulol na handang lumapa anumang oras.

"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito.

"Huwag kang magulo! Ibigay mo sa'kin lahat ng pera at alahas mo!" Hinablot niya sa'kin ang bag ko pero hindi ko 'yon binitawan, kaya mas lalong nagtangis ang bagang nito. "Ang tigas ng ulo mong babae ka! Ibigay mo na sa'kin ang bag mo kung ayaw mong masaktan-"

Napahinto ang lalaki nang makarinig kami ng pagkalansing ng metal sa sahig. Mula 'yon sa susing bumagsak na hindi namin alam kung saan nanggaling. Sinamantala ko ang pagkakataon, malakas kong itinulak ang lalaki palayo sa'kin, pero nahagip ng kamay nito ang dulo ng buhok ko kasabay ng isang putok na umalingawngaw sa paligid!

"May balak ka pang takasan ako ha!" Marahas na hinila ng lalaki ang buhok ko para ilapit ako sa kanya.

Napangiwi ako sa sakit. Sinubukan ko pang kalasin ang kamay nitong nakabuhol sa buhok ko subalit mas malakas ito!

"Hindi ka masasaktan nang ganito kung ibinigay mo na agad ang gusto ko!" Marahas nitong ipinulupot ang braso sa leeg ko.

Impit akong napaungol lalo na nang makaramdam ako ng kirot mula sa isang parte ng katawan ko. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong subalit walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil nahihirapan na akong huminga mula sa pagkakasakal nito.

"Anong meron..."

"Ka-hmp!" Napaigik ako nang hilahin ako paatras ng lalaki gamit ang isang braso nitong nakapulupot sa leeg ko. Lalo pa nitong idiniin ang baril nitong nakatutok sa sentido ko.

"Hanggang diyan ka lang! Huwag kang lalapit kundi pasasabugin ko ang mukha ng babaeng 'to!" angil nito nang itutok nito ang baril kay Kade.

Sa nanginginig na katawan, napalunok ako. Tumingin ako kay Kade na diretsong nakatingin sa lalaki gamit ang malalamig na tingin niya. Hindi siya natinag sa pagbabanta nito.

"Putangina! Sinabing huwag kang lalapit!" Muling dumagundong ang malakas na boses ng lalaki nang isang beses na humakbang si Kade.

"Kade..." usal ko nang nagtama ang mga mata namin. My eyes were pleading as I met his blank stare, but he just twitched his lips.

Mayamaya'y ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa likuran ko. Itinaas niya ang dalawang kamay at umabante. "Wala akong intensyong mangialam...kukunin ko lang ang susi ng sasakyan ko."

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon