Kabanata 21: GUEST

58 2 0
                                    

Guest.
- - -

ISANG itim na SUV at Onyx Jaguar na nakaparada sa tapat ng mansyon ang bumungad sa'min nang maipasok na ni Kade ang sasakyan.

Pinatay na niya ang makina pagkatapos niya maiparada ang sasakyan namin sa tabi ng Jaguar. Hinugot niya ang car keys bago siya tumingin sa'min mula sa front mirror.

"Mauna na kayo sa loob. Ako nang magpapasok ng mga pinamili natin," aniya.

"Calleiah?"

I stopped from entering the living room when someone called me by my first name. Umawang ang bibig ko nang mapagtantong mula iyon sa pamilyar na mukhang nakaupo sa gitna ng couch.

Tumayo ito at lumapit sa'kin. "Ikaw nga. What are you doing here, Calleiah? I thought you're at Santi Tierra."

"Mrs. Archibal..." I smiled awkwardly, intimidated by her presence and the way she stared at me.

"Ma..."

Tumagos ang tingin ko sa likuran ni Mrs. Archibal nang maglakad palapit sa'min si Ari—bagay na pinagpasalamat ko.

"Salamat sa pagsama mo sa kanila Kuya." Ari smiled as she stood beside Mrs. Archibal.

Nakangiting tumango lang ako sa kanya.

"Anyway...Ma, here's Clari, bisita rin po namin siya. Siya po ang girlfriend ng Kuya ko." si Ari na saglit na nilingon ni Mrs. Archibal bago muling bumaling sa'kin.

"Ganoon ba?" Mrs. Archibal smiled.

Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako nang makita ko ang bahagyang pagkadismaya sa mukha niya since she once tried to pair me up to his son when we're in senior high.

* * *

NALAMAN ko kay Lars na darating ang ibang bisita nila Ari ngayon sa mansyon kaya naging abala ang mga kasambahay roon sa pagluluto para sa pananghalian ng mga ito.

Tapos na kaming mananghalian kasabay ang ina ni Clent at sina Harry na kasama na ngayon ang girlfriend nitong si Lira kaya ang mga lulutuin ay para lamang talaga sa mga bagong bisita.

Lars, Harry and Kade are in the chapel to check that everything there is all okay and be ready for tomorrow's special occasion, while Ariella is having a bonding time with Clent and her soon to be mother-in-law—Mrs. Archibal who happens to be my Tita Roma's colleague.

Gusto nga sana akong isama ni Kade sa chapel pero ako na talaga ang tumanggi. Ayokong i-spoil ang bonding nilang magpipinsan.

Kaya ang siste ay nandito ako sa kusina, kasama sina Rita, Ingka at Nay Ester para kahit papa'no ay makatulong ako sa paghahanda.

"Ibuhos mo na riyan ang mga sibuyas."

Muli kong narinig ang boses ni Nay Ester. Naroon sila ni Ingka sa tabi ng kalan at binabantayan ang pinapakuluan nilang karne.

Samantalang magkatabi naman kami ni Rita sa lamesa na abala sa binabalatan naming gulay.

The whole time is awkward for me dahil ramdam ko ang panaka-nakang paglingon sa'kin ni Nay Ester na parang binabantayan ang bawat kilos ko.

"Alam nyo, ma'am. Ang ganda n'yo po tapos ang puti pa. Para kayong labanos sa kaputian."

Tumigil muna ako sa ginagawa para tingnan si Rita na ngayon ay titig na titig sa'kin.

"T-Thank you," I smiled.

"Hehe. Bagay na bagay talaga kayo ni Sir Kade."

Awtomatiko akong nasamid sa narinig kahit wala naman akong iniinom o kinakain. Mabilis naman akong dinaluhan ni Rita.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon