Kabanata 23: APOLOGY

87 2 0
                                    

Apology.
- - -

KAAGAD na kumunot ang noo ko nang makita ko mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan na may babaeng nakaupo sa front seat. It's the woman Kade was talking to earlier.

Why is she here?

Bumaling ako kay Kade pero nauna na siyang pumasok sa driver's seat kaya binuksan ko na lang ang pinto sa backseat. Itinago ko ang inis na naramdaman ko habang umuusog ako sa tabi ng bintana, sa tapat ng babaeng nasa unahan.

"Ihahatid muna natin si Aly sa hotel na tinutuluyan niya." Sinilip ako ni Kade mula sa rearview mirror.

"Okay," I replied flatly bago ako bumaling sa labas ng bintana.

Malayo ang naging biyahe namin. Habang nagkukuwentuhan ang dalawa na parang sila lang ang tao sa loob ng sasakyan, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa matataas na mga puno at malalawak na bukirin na nadadaan namin. I yawned when the woman turned on the car's stereo. Sinandal ko ang ulo ko sa gilid ng bintana.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan at pag-alog nito. Kinusot-kusot ko ang mata ko habang umaayos nang upo. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng pamamanhid sa aking binti at pangangalay sa leeg ko.

Tumingin ako sa unahan pero nagulat ako nang makitang wala nang mga tao roon. Doon ko lang din napansin na nakahinto na pala ang sasakyan sa gilid ng mansyon. Nakauwi na pala kami.

Napatingin ako sa gilid nang bumukas ang pinto sa tabi ng backseat.

"Mabuti't gising ka na."

Sumalubong sa'kin ang seryosong mukha ni Kade na nakatayo sa labas ng sasakyan. Nahawak siya sa pinto at nakayuko habang nakatingin sa'kin.

Umusog ako palapit sa nakabukas na pinto. Dumiretso naman siya ng tayo at umalis sa tapat ng pintuan. Bumaba na ako ng sasakyan.

Nakita kong nakasandal sa gilid ng sasakyan si Kade habang hawak ang cellphone sa kanyang tainga. May kausap siya roon at base sa pangalang binanggit niya, it was Ariella. Siguro ay nakarating na ang mag-asawa sa private island.

"Take care." He smiled as he ended the call.

Kade put his cell phone back in his pocket. I watched him take off his coat. He's now only wearing a white long-sleeved polo.

Inilapag niya ang hinubad na coat sa ibabaw ng hood saka bumaling sa'kin. "Malayo ang hotel na tinutuluyan ni Aly rito sa Aurora, kaya ginabi na tayo."

Seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon na para bang hinihingi ko ang masinsinan niyang pagpapaliwanag.

He grabbed his coat and strolled over to me. He's still wearing his serious expression at hindi ako sanay roon.

"Yong lalaking kausap mo kanina, magkakilala ba kayo?"

"No..." I held my breath when he stopped in front of me.

"Hindi pala kayo magkakilala pero kung makipag-usap siya sa'yo... parang close kayo."

"I think he's just being friendly."

"He's not. That asshole is trying to flirt with you. Gusto ka ng lalaking 'yon."

"Paano mo naman nasabi?"

"Lalaki rin ako, Clarity...kaya alam ko."

Napailing ako. "You just misunderstood him. Don't talk like that to the person."

Mataman siyang tumitig sa'kin. "Sabihin mo nga sa'kin, Clarity. Gusto mo ba ang lalaking 'yon?"

Napaawang ako. "Of course not!"

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon