Kabanata 38: BAD DREAM

69 1 0
                                    

PS: This is part of Clarity's past...

-----------------------------------------------------------------

Sudden Bad Dream.

- - -

"LET'S just stop, Jiro...I-I'm drunk. Umuwi na tayo. Kanina pa tumatawag sila mommy," saad ko sa kabila ng pag-ikot ng paningin ko.

Sinubukan ko pang tumayo pero pinigilan ni Jiro ang kamay ko. Hinatak niya ako pababa kaya muli akong napaupo sa couch.

"Last na 'to, babe. Come on, take this shot, and then I'll take you home..." he whispered before burying his face in my neck while holding the snifter.

Nagusot ang ilong ko nang maamoy ang matapang na aroma ng pinaghalong rum at vodka.

"Stop!" I jolted when he licked my neck and inhaled my scent there.

"Hmm..." he moaned as he continued planting kisses on my neck.

I arched my back as the tingling sensation slowly crawled from my neck throughout my entire body.

"S-Stop it, J-Jiro. N-Nakikiliti ako." Hinawakan ko siya sa balikat at mahina siyang tinulak. "Tama na, babe. Nakakahiya, maraming nakakakita sa'tin. Let's finish this, nahihilo na ako. Gusto ko nang umuwi." I whispered as I took the snifter from his hand.

"They don't care, girlfriend naman kita," he snickered. "Anyway...you still have the sweetest scent compared to the girls I had before, Calleiah..."

I raised one eyebrow. "Sus! Bola!"

Pinasadahan ko ng dila ang ibabang labi ko. Dahan-dahan akong sumimsim ng alak sa hawak kong baso hanggang sa magawi ang tingin ko sa bukana ng bar.

Parang tumigil ang mundo ko nang mapako ang mga mata ko sa lalaking may abuhing mata. Hinahangin ang iilang hibla ng may kahabaang buhok nito habang marahan itong lumalakad papunta sa direksyon ko. Looking unreal, his tanned skin shone under the flashing disco lights, resembling a real-life Cloud from Final Fantasy.

Kapansin-pansin ang matipuno nitong balikat at dibdib mula sa pang-itaas nitong plain white V-neck shirt, isang faded ripped jeans na halos hindi humapit sa mahahaba nitong biyas at puting sneakers na nagtatago sa malalaki nitong talampakan.

Even with a simple outfit, naging tampulan ito ng tingin ng mga babaeng naroon sa bar. He has a captivating presence that's hard to resist.

Napalunok ako. Parang unti-unting nanunuyo ang lalamunan ko lalo na nang makita ko kung paano gumalaw ang braso ng lalaking ito nang isabit niya sa kanang balikat ang hawak niyang itim na jacket.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon