Kabanata 28: HIS LIFE

57 1 0
                                    

His Life.
- - -

"ALA una na ng umaga ah. Where have you been, Ate?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Raki sa'king likuran. Inayos ko muna ang lock ng main door bago ako marahang pumihit paharap sa kanya.

"Bakit gising ka pa? Hindi ba't may pasok ka pa bukas?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Ikaw, Ate Clari, bakit gising ka pa? Hindi ba't may pasok ka pa rin bukas?" balik-tanong niya. "Hindi kita nadatnan dito pag-uwi ko. Nakipag-date ka raw sa boyfriend mo."

Lalong nangunot ang noo ko. "Who told you?"

"Si Ate Aina."

I exhaled a furious sigh. Didn't I just ask her not to tell Raki?

"Ikaw, Ate ha. May boyfriend ka na pala pero hindi ka nagsasabi sa'kin. Sino 'yong boyfriend mo? Si Manong ba?" Raki fixed her eyes on my face as she crossed her arms.

"Who's Manong?" Naglakad ako patungo sa couch.

Raki's eyes followed me. "Si Manong Kade. 'Yong nagpakilala kay Tita Roma bilang manliligaw mo. 'Yong naghatid sa atin pauwi at bumuhat sa'yo hanggang sa kwarto mo dahil tulog na tulog ka. 'Yong lalaking kasama mo sa Aurora."

My face scrunched up. "You don't have to go into detail."

"Ow-kay." Nakangising naglakad siya palapit sa'kin at kinuha sa'kin ang bag ko. "Kumusta naman ang date n'yo? Romantic ba?"

Tinitigan ko siya. "Why are you asking?"

Tinanggal ko ang jacket na suot ko at inilapag 'yon sa lamesita. Dinampot niya naman 'yon.

Raki grinned at me. "Curious lang naman. Amoy-lalaki 'tong jacket mo, Ate. Sa boyfriend mo ba 'to galing?" tanong niya habang hawak ang jacket na parang isa itong maruming bagay.

Tumango ako saka ako umupo sa couch para tanggalin ang heels na suot ko.

"Ah kaya naman pala may pa-jacket pa si Manong...kita kasi 'yong collarbone at kilikili mo diyan sa dress mo." Humagikhik si Raki, "Buti at naisipan mong magsuot ng ganyan, akala ko ba ayaw mo ng ganyang damit?"

Nagkibit-balikat ako, "It's Ain's fault. Hindi niya ako tinantanan hangga't hindi ko isinusuot 'to."

Raki stared at me skeptically. "Weh? Nagpapilit ka naman?"

I knitted my brows. "You know Aina, Raki. Hindi niya ako tatantanan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya sa'kin."

"Talaga lang ha..."

I glared at her. "Stop teasing me, Raki." pinal na saad ko dahilan para mapalabi na lang siya.

* * *

MULA sa bukana ng lobby, naabutan kong nakaupo sa isang couch si Lars.

"Hello, Clari." Tumayo siya nang makita rin ako.

I smiled and hurried over to her. "Lars...What are you doing here?" I asked.

"I saw Kade's post last night. Nagpunta ako rito para i-congratulate kayong dalawa."

"T-Thank you," I smiled awkwardly.

She returned the smile. "Anyway, busy ka ba?"

"Not really."

"I see. So, can we have a drink? You know...coffee? Gusto ko lang sanang makipagkwentuhan sa'yo kung ayos lang sa'yo-"

"Sure." Maagap kong sagot na medyo ikinagulat pa niya. "Ahm, wait. I'll just talk to my secretary."

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon