IGNORED.
- - -BUMAGAL ang pagbaba ko nang maabutan kong nakatayo sa baba ng hagdan si Nay Ester. Tila hinihintay talaga nito ang pagbaba ko.
"K-Kayo po pala." A cold sweat broke out on my neck the moment I stopped in front of her.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Kinakabahan man, sinubukan kong tumingin nang diretso sa kanya.
"T-Tungkol po saan?" lakas-loob kong tanong.
"Tungkol sa'yo."
"A-Ano po ba ang pag-uusapan natin?" I can feel any minute from now, I'm going to faint from nervousness!
"Humihingi ako ng paumanhin sa mga nasabi ko sa'yo kahapon. Nagkamali ako dahil hinusgahan agad kita. Kung galit ka sa'kin ay maiintindihan ko iyon."
"Wala ho iyon. Hindi ho ako galit sa inyo. Naiintindihan ko naman po kung bakit ganoon ang reaksyon n'yo sa'kin."
Malalim ang naging pagbuntong-hininga niya. "Pasensya na talaga, hija. Nadala lang talaga ako sa sobrang pag-aalala sa kanya kaya nasabi ko ang mga iyon. Salamat sa iyong malawak na pag-unawa lalo na nitong mga nakaraang araw na pinakitaan kita ng pagka-disgusto, nanatili kang magpakumbaba at pinagkibit-balikat na lang ang mga maaaring masakit na salitang naibato ko sa iyo. Sana sa pag-uusap nating ito ay magbago ang tingin mo sa'kin, hija. Inaamin ko na may pagka-masungit ako, pero hindi ako ganoon kasamá."
Ngumiti ako. "Hindi naman po naging masama ang tingin ko sa inyo kahit nasungitan n'yo ako. Para nga ho kayong lolo ko eh---"
"Parang ipinararating mong matanda na ako."
Mabilis akong umiling. "Hindi po sa gano'on."
I became tense suddenly. Gosh! Did I offend her?
Para akong nabunutan ng malaking tinik nang biglang humagikhik si Nay Ester. Lumapit pa siya sa'kin at tinapik-tapik ang balikat ko, hindi alintana na mas mataas ako nang kaunti sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, tanggap ko namang matanda na ako. Itatanggi ko pa ba kung 'tong mga buhok ko na ang bumubukò sa akin?" Pilya ang ngiting itinaas pa ang dalawang kilay na katulad ng mga puting buhok niya sa ulo.
Napangiti na lang ako. I'm surprised to see Nay Ester's funny side.
"Salamat sa kaunting oras na inilaan mo para sa akin, hija. Oh siya...ako'y babalik na sa kusina para ayusin ang mga naluto namin. Hintayin mo na lang dito sa sala si Kade. Hula ko'y palabas na rin iyon sa kanyang silid."
"S-Sige ho," marahang tango ko.
Isang masuyong ngiti ang iniwan sa'kin ni Nay Ester bago siya tumuloy sa kusina. Sinundan ko naman siya ng tingin.
Napangiti ako. Ang gaan ng pakiramdam ko sa naging pag-uusap namin. Makakahinga na ako nang maluwag dahil wala na akong iniisip na may isang taong ayaw ng presensiya ko.
"Morning!" Si Kade na sa paglingon ko ay kitang-kita ko ang malawak niyang ngiti habang palapit sa'kin.
For the second time, I saw him wearing a black three-piece suit and a pair of black leather shoes. Nakabukas ang dalawang butones ng nakapaloob niyang polo kaya kitang-kita ko ang kayumanggi niyang balat. He didn't shave the little stubbles around his jaw, but it still looks good on him. It gives him a more manly appearance without making him look rugged.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romansa"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...