Kabanata 10: ANONYMOUS SENDER

61 2 0
                                    

Anonymous Sender.

- - -

"ANONG nangyari sa balikat mo, Ate?!"

Halos mabitawan ko ang basong hinuhugasan ko nang marinig ang malakas na boses ni Raki sa gilid ko.

Inilapag ko muna ang baso sa lababo bago ko siya nilingon. "Ang lapit-lapit ko lang sa'yo, kailangan ba talagang sumigaw?"

Alanganin siyang ngumiti sa'kin. "Sorry...pero ano ba kasing nangyari sa'yo't may sugat ka sa balikat?"

Nag-alala ang mukhang tumingin siya sa naka-expose kong balikat na may benda mula sa suot kong racerback tank.

"I've just encountered bad guy last night." buntong-hininga ko.

"What? Saan? Anong ginawa niya sa'yo?!"

Bahagya akong napangiwi sa pagtaas ng boses ni Raki. "Could you please lower down your voice, Raki. Masakit sa tenga."

Yumakap si Raki sa likuran ko. "Sorry, Ate. Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Iyan lang ba ang ginawa sa'yo ng lalaki? May tumulong ba sa'yo?"

"Oo. May tumulong naman sa'kin."

Raki sighed in relief. "Mabuti naman."

Samantala, hinawakan ko naman ang kamay niya sa bandang tiyan ko at kumalas sa kanya. "Nakahanda na ang breakfast mo. Kumain ka na."

"Eh ikaw?"

"I just had my breakfast. Nauna ako dahil tulog ka pa kanina nang bumaba ako. At dahil mamayang 10:00 am pa naman ang pasok mo, hindi na muna kita pinagising kay manang."

"Hija, may naghahanap sa'yo sa labas."

Sabay kaming napalingon ni Raki kay Manang Alice. Nakatayo siya sa bukana ng kusina.

"Sino raw po?" Lumapit ako kay Manang. Umupo naman si Raki sa harap ng lamesa para mag-almusal.

"Walang sinabi basta hinahanap ka." Si manang bago siya tumuloy sa kusina.

"Saan po siya?" Muling lingon ko kay manang habang pinupunasan ng towel ang basa kong kamay.

"Pinahintay ko siya sa labas ng mansyon."

Tumango ako kay manang saka ako nagmartsa palabas ng mansyon. Naiwan naman sina Raki at Manang sa kusina.

Naabutan ko sa harap ng gate ang isang payat at medyo matangkad na lalaki.

"Kayo po ba si Ms. Clarity Gallego?" bungad nito sa'kin.

"Yes, ako nga. Anong kailangan mo sa'kin?"
"Empleyado ho ako ni Sir Kade. Nasa meeting po siya kaya pinahatid na lang niya po sa'kin yung sasakyan n'yo na naiwan sa Rosewood Rise."

Tumaas ang isang kilay ko sa narinig. Bago ito sa pandinig ko, even though I know that he's a businessman like he said before. May iba pa pala siyang pinagkakaabalahan bukod sa pagsulpot-sulpot niya minsan sa lugar kung saan nandoon ako.

"Ma'am, nasa labas po ang kotse n'yo. Kayo na lang po ba ang magpapasok?" untag sa'kin ng lalaki.

Kumunot naman ang noo ko sa narinig. "Sandali. Paano mo pala nadala rito ang sasakyan ko?"

"Binigay po ni Sir Kade sa'kin ang susi."

Lalong nangunot ang noo ko. Wala akong matandaan na ibinigay ko kay Kade kagabi ang susi ng sasakyan. Paanong meron siya?

Seryoso akong tumingin sa lalaki. "Kailan matatapos ang meeting ng sir mo?"

"Nasa Aurora po ngayon si sir kaya hindi ko po alam."

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon