58. SPECIAL CHAPTER: A BEAUTY THAT BEWITCHED THE KING:

103 3 0
                                    

A Beauty That Bewitched The King.
- - -

              HE watched Clarity while she's sleeping peacefully on his lap. They did it, not just once, but four times hanggang sa ito na mismo ang sumuko. Napagod niya ang dalaga sa ginawa nila kaya ganun na lang ang himbing ng tulog nito. Napakapayapa ng mukha nito na parang hindi nalagay sa panganib ang buhay nito kanina lang.

He panicked a bit when he felt her moved. Akala niya ay nagising niya ang dalaga pagkatapos niyang hawiin ang buhok na humarang sa maamong mukha nito. But then he felt relieved nang nanatili itong nakapikit. Banayad pa rin ang paghinga nito.

"Kade, I..." she was talking gibberish in her sleep and he couldn't help but smile broadly. His heart fluttered the moment he understood what she uttered.

"I love you more, Ms. General Manager." Ibinaba niya ang mukha sa dalaga at hinalikan ito sa noo.

Even though he has said it many times, he will never stop loving this woman. He will not move on from her no matter how many times she hurts him. He will continue to watch her from a distance kahit ilang beses pa siya nitong ipagtabuyan. 

He didn't realize it, but he became addicted to her from the first time he saw her.

He was at a bar where they're going to celebrate Yllak's birthday. Nagdalawang-isip siya sa una dahil ayaw niyang kulitin siya ni Aly kung sakaling nandoon din ito, but his friends assured him that Aly won't be coming. He eventually agreed. Konsiderasyon na lang niya. It's his friend's birthday, anyway.

Nexus Bar. INGAY, usok at halong amoy ng alak at sigarilyo ang sumalubong sa kanya pagpasok niya sa loob ng naturang bar. Bagay na hindi na bago sa kanya maliban na lang sa isang pares ng bilugang mata...

Maputi at hugis-puso ang maamo nitong mukha na hinaharangan ng mga takas nitong buhok. May manipis at makurba itong labi na kahit nakadikit sa nguso ng hawak nitong wineglass ay alam niyang natural na mapula.

Napalunok siya. Marami na siyang nakitang magagandang babae pero may espesyal na dating sa kanya ang maamong mukha ng babae.

May kung ano dito na humahatak sa kanyang atensyon, pero agad na napawi ang atraksyong naramdaman niya para dito nang may humawak sa balikat nito. Nang lingunin at matamis itong ngitian ng babae, alam na niyang boyfriend nito ang lalaking 'yon.

Ipinilig niya na lang ang ulo sa kaunting panghihinayang at sinubukang kalimutan ang naramdaman.

Isinabit niya ang hawak niyang jacket sa kanang balikat niya at nagsimulang maglakad patungo sa direksyon ng babaeng 'yon. Hindi niya pinansin ang tingin ng mga babaeng naroon sa bar, partikular na sa babaeng pumukaw sa kanyang atensyon kani-kanina lang. Hindi niya binigyan ng malisya ang titig nito sa kanya. 

Saktong malapit na siya sa kinauupuan ng babae nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag.

"What the fuck, King? What's taking you so long? Naiinip na kami dito!" Bungad sa kanya ng kaibigan niyang si Jace na halatang iritado na.

Napatiim-bagang naman siya. "Tangina naman...kagagaling ko lang sa Aurora at La Versailles. Nasaan ba kasi ang room n'yo?"

"Tangina mo, King, kapag ikaw wala pa sa bar..." may pagbabanta sa boses ng kaibigan niya dahilan para mag-isang linya ang kilay niya.

"Ulol! Anong palagay mo sa'kin? Sinungaling? Huwag mo akong igaya sa'yo na walang isang salita!" Madilim ang mukhang saad niya at hindi ito nawala habang kausap ang kaibigan.

"Paakyat na ako," he coldly tsked, expressing his annoyance towards his friend, who's just trying to annoy him.

Ibinaba na niya ang tawag saka malalim na bumuntong-hininga. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad para puntahan na ang mga kaibigang naghihintay sa kanya nang hindi sinasadyang napalingon siya sa nilampasang babae.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon