Kabanata 17: LEFT ALONE

78 2 0
                                    

Left Alone.
_______________________________________

     HINATID ko ng tingin ang SUV hanggang sa makalampas na ito sa inner gate.

I sighed. Hindi ko alam kung paano gugulin ang mga oras habang wala ang mag-pinsan. Nahihiya naman akong maglakad-lakad dahil baka makasalubong ko si Nay Ester, lalo't mabigat ang pagtanggap niya sa'kin dito. Nahihiya rin akong makipag-usap sa mga kasambahay at baka maabala ko sila sa kanilang trabaho.

Umupo ako sa mahabang wooden chair na naroon sa veranda. Tinanaw ko mula roon ang malawak na garden sa harap ng mansion.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. The view for me is freshly breathtaking. Usually...bright orange o sunny yellow ang kulay ng daisy ang karaniwang nakikita ko. Napaka-rare lang na makakita ako ng white, blue or even light purple na daisy. I don't know if they're natural or they're just genetically modified.

"Sa tingin mo...girlfriend kaya ni Sir Kade iyong dinala niya ngayon?"

"Baka...imposible namang dalhin niya rito 'di ba kung hindi..."

Unti-unting nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng maliliit na boses mula sa gilid ng mansion.

"Hindi magandang pinag-uusapan n'yo ang personal na buhay ng Sir Kade n'yo." Seryoso ang boses na 'yon, galing kay Nay Ester.

Tumayo ako at sumilip sa gilid ng mansyon. It's really her. Kaharap niya ang dalawang kasambahay na pawang hindi makatingin nang diretso sa kanya.

"P-Pasensya na, Nay Ester..." anang isang kasambahay na sinegundahan naman ng isa pa.

"Ayaw ko nang naririnig na pinag-uusapan n'yo ang personal na buhay ng mga taong nagpapasahod sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo, Rita at Ingka?"

Sabay na tumango ang dalawa.

"Mabuti kung ganoon. Tapusin n'yo na ang trabaho n'yo para makapananghalian na kayo."

Iniwan ni Nay Ester ang dalawa at pumasok sa isang pasilyo roon, maaaring kanugnog iyon ng maid's quarter.

I gulped. Pakiramdam ko tuloy... ako ang pinapagalitan ni Nay Ester. Nakakatakot siya sa totoo lang. She has some aura of Ms. Minchin, na kapag seryoso ka niyang tiningnan, gugustuhin mo na lang na kainin ng lupa.

Nagpatuloy ang dalawang kasambahay sa kanilang ginagawa. One is sweeping around the-my lips parted when I realized something...they're cleaning around the 2.4m satellite dish!

Though, I have an idea what's the use of this but still...

What was that for? Is the question formed in my head.

"Clarity..."

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Nay Ester sa'king likuran.

Alinlangan ang ngiting lumingon ako sa kanya, "N-Nay Ester..."

"Anong ginagawa mo riyan?" salubong ang manipis niyang kilay na nakatingin sa ayos kong nakasandal ang tiyan habang nakadukwang sa railing ng veranda.

Mabilis akong umayos nang tayo at tumikhim. "Ahm...wala ho...nagpapahangin lang..." Inilagay ko pa sa likod ko ang dalawang kong braso.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon