Kabanata 39: COLD

89 1 0
                                    

Cold.

- - -

SAKTONG kabababa ko lang ng cellphone ko nang makarinig ako ng katok sa labas ng opisina.

"Yes, Ja—" Sumulyap ako sa pintuan sa pag-aakalang si Janna iyon pero laking gulat ko nang sumalubong sa'kin ang pamilyar na pabango.

"Babe."

I swallowed silently. Oh no! Not right now, Kade.

"Busy ka pa ba?" masuyong tanong niya.

"Yes," I replied coldly.

"Ganoon ba?" He forced a smile.

Kahit papa'no...nakonkensiya ako. Gustuhin ko mang lapitan siya at mag-sorry pero nanaig sa'kin ang kagustuhang iwasan muna siya.

"How about tomorrow? Can we have lunch together tomorrow?

I sighed. "I can't, Kade. I have a lot to do and won't be free until tomorrow."

"Kailan ka hindi magiging busy?" He took a step forward, trying to touch me pero umiwas ako. He's surprised and hurt. I can see it through his eyes.

"I don't know." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad pabalik sa table ko kaya hindi ko na naabutan ang pagsalubong ng kanyang kilay.

"I've just noticed that you're being cold to me lately. Are you really busy or are you just avoiding me?"

I let out a deep breath. Umupo ako sa swivel chair at itinuon ko ang mata ko sa screen ng laptop. "I'm just busy, okay?"

"Hindi 'yon okay. Lagi mo na lang sinasabi sa'kin na busy ka kahit wala ka namang masyadong ginagawa."

"You're not always here kaya paano mo naman nasabing wala akong ginagawa?" kalmadong sagot ko.

"Sinabi sa'kin ng secretary mo."

"Kailan pa kayo naging close ni Janna?" sarkastikong tanong ko.

"Girlfriend na kita. Hindi naman sigurong masamang makipaglapit sa mga taong malapit sa'yo."

Blanko ko lang siyang tiningnan bago ko muling ibinalik ang tingin ko sa screen. Hindi ko kayang tingnan siya nang matagal.

Narinig ko ang mga hakbang niya papalapit sa'kin. "Why are you acting like this? May nagawa ba ako? Napagselos ba kita?"

Tumayo siya sa harapan ng table ko. Inalis ko naman ang tingin ko sa screen at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Did you do something that will make me jealous?" balik-tanong ko.

His expression darkened, as if he was about to lose his patience at any moment.

I focused on the screen in front of me. "Just leave, Kade. I can't entertain you right now, I have a lot of work and meetings scheduled for today. I will just call you tonight—"

Napatalon ako sa gulat nang pabagsak niyang itinukod ang magkabilaan niyang kamay sa table ko at inilapit ang mukha sa'kin.

"Yan din ang sinabi mo sa'kin kahapon pero nakatulog na ako't lahat-lahat, wala akong natanggap na tawag mula sa'yo. Tangina naman! Hindi ko alam kung saan ako maiinis, e. Kung nakalimutan mo lang ba o sadyang kinalimutan mo!" he said frustratedly.

"Kade..."

"Fine!" Dumiretso siya nang tayo at ipinasok ang isang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. "I'll come back here tomorrow, but make sure you don't use the same reason why you can't go with me!"

Hindi na niya ako hinintay na makasagot, mabilis na siyang tumalikod at naglakad papunta sa pinto.

Meanwhile, I kept my eyes on his back until he slammed the door shut. 

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon