60. SPECIAL CHAPTER: HE, THE STRANGER.

109 1 0
                                    

He, The Stranger.

- - -
Several months ago...

La Versailles. SUMUNOD kay Kade ang nagtatrabaho sa talyer habang palabas siya ng shop.

"Ser, balikan n'yo na lang pagkatapos ng dalawang araw," anito na ikinangiwi niya.

Hinarap niya ang lalaki. "Bakit ang tagal?"

Kumamot ito sa ulo. "Mahirap maghanap ng materyales na gaya sa nasira." Tinutukoy nito ang windshield ng kanyang sasakyan na nasira ng babaeng tinakbuhan siya.

Nakita niya ang mukha nito pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makausap ito dahil nga mabilis itong tumakbo palayo kasama ang dalawang babae na sa tingin niya ay mga kaibigan nito bago niya pa makumpronta ang mga ito.

Hindi naman siya nainis sa nangyari. He found it amusing instead. Kahit saglit lang ang paglingon nito sa kanya, magaan ang loob niya sa dalaga. Was it because he was a little attracted to her?

Halos kilabutan si Kade sa ideyang 'yon. Mariin siyang napapilig at tahimik na napamura. Hindi siya mahilig sa bata!

ITINAPON NIYA sa gilid ang upos ng kanyang sigarilyo bago siya muling sumakay sa kanyang motorbike. Nasa parte pa rin siya ng Santi Tierra. Galing pa siyang La Versailles para sa isang kliyente at dahil pa-Norte siya ay madadaanan niya talaga ang bayang ito.

Masakit na ang buong katawan niya sa maghapong trabaho pero kailangan niyang ituloy ang kanyang biyahe pauwi sa Aurora. His cousins were waiting for him. He promised them he would arrive in Aurora early in the morning.

Kung ano ba kasing bagay na hindi masabi ng mga ito sa telepono at kailangan pang sa personal ay hindi niya maintindihan.

Nagpatuloy siya sa pagpapatakbo ng kanyang motorbike hanggang sa matanaw niya ang isang kotse na nakahinto sa gilid at madilim na bahagi ng kalsada.

Nagsalubong ang kilay niya. Binagalan niya ang pagpapatakbo palapit sa sasakyan na 'yon. Bumaba siya mula sa motorbike at lumapit sa bintana ng sasakyan para mag-usyoso. Baka sakaling mag-jowa ang mga ito at may ginagawang milagro...

Pero nagkamali siya dahil isang bulto ng babae ang bumungad sa kanya pagkalapit. Hindi niya makita ang mukha nito dahil madilim ang loob ng sasakyan.

Lumalim ang pagkakunot ng kanyang noo. Anong ginagawa nito mag-isa sa gilid ng kalsada? Nasiraan ba ito?

Dala ng kuryosidad, kinatok niya ang bintana ng sasakyan para pababain ang babae sa loob at tanungin ito.

Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Sa kalagitnaan ng pagbaba ng bintana, bumilis ang naging tibok ng puso niya. Halos malaglag ang kanyang panga nang mapagtanto kung sino iyon.

"Miss, okay ka lang? Mukhang nasiraan ka ah." Muntik na siyang mabulol dahil parang mas tumulin pa ang pagtibok ng puso niya sa mga sandaling 'yon.

Dumungaw ang dalaga. Samantala, halos panuyuan naman siya ng laway kakalunok habang nakatitig dito. May kung ano sa kanya ang muling nabuhay..

She matured a bit and there's still a hint of innocence in her beautiful face. She really has grown into such a fine woman.

She's perfect...perfect for him...

He found himself shaking his own head. Mabuti na lang ay naawat niya ang sarili na kabigin ang ulo at hagkan ang labi nito.

Bumalik siya sa kanyang motorbike at sumandal doon bago pa siya matuksong gawin ang naisip. Humalukipkip siya at sinulyapan ang dalaga.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon