Kabanata 4: LUNCH WITH STRANGER

142 4 0
                                    

Lunch with a Stranger.

- - -

       SUMIMSIM muna ako ng kape sa ibabaw ng table ko bago ibinalik ang tingin sa screen ng laptop. Kausap ko sa email ang isang buyer tungkol sa mga delivery namin ng mangga bukas ng umaga.

Habang nagtitipa ng reply ay kumunot ang noo ko nang may message akong natanggap mula sa isang dummy account. Dahil sa kuryosidad ay agad kung binuksan ang mensahe na lalong nagpakunot sa'kin.

unknown user: We need to talk. Are you free tonight?

I typed a reply. "And who are you?"

unknown user: Kade.

I raised an eyebrow. "Talk for what?"

Magre-reply pa sana ako pero nawala na ito. Nagbuntong-hininga ako at isinandal ang likod ko sandalan ng swivel ko. I reached for the mug and sipped on my coffee again. I had this feeling that Kade wanted to talk to me about their "date" last night.

I shook my head lightly and focused on the other emails piled up on the screen. Mayamaya pa ay may kumatok sa pintuan ng opisina.

"Come in." Sinulyapan ko ang nakaawang na pintuan bago binalik ang mga mata sa screen.

Mayamaya'y nakarinig ako ng lagutok ng mga takong kasunod ang boses ng personal secretary ko. 

"Ms. Clari, narito na po yung mga listahan ng mga nai-deliver nang mga halaman." 

Kaagad niyang inabot sa'kin ang mga reports nang makalapit na siya sa table ko. "Ito na po lahat ng mga natapos naming delivery pero may babalikan pa po kami dahil nagpa-reschedule po ang isa sa mga buyer natin."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "It's okay. Just make sure na ma-submit mo immediately ang mga reports para ma-monitor ko ang mga sales natin."

"Sige po Ms. Clari, kami na pong bahala ni Aling Marcia sa mga delivery."

Tumango ako habang isa-isang tiningnan ang mga report. "Thanks, Janna...nga pala, huwag mong kalimutan na sabihan ang lahat tungkol sa assembly lunch natin sa veranda. I'll meet all of you at 12:00 noon, okay?"

"Opo, sasabihan ko po sila. Mauna na rin ako, Ms. Clari."

"Okay...you may go."

Janna excused herself. Naglakad siya palabas ng opisina, pero bago siya tuluyang makalabas, tinawag ko siya. May nakalimutan kasi akong ibilin.

Huminto siya sa bukana ng pintuan at lumingon sa'kin. "May kailangan pa po kayo, Ms. Clari?"

"Pakisabihan nga pala ang mga trainees ko na hindi ko muna sila mapupuntahan ngayong araw. May biglaang lakad kasi ako ngayon."

"Sige po."

Hinatid ko ng tingin si Janna hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

Tinapos ko na ang pakikipag-usap ko sa buyer at pinatay ang laptop. Nag-inat-inat muna ako bago ko inayos ang mga gamit sa ibabaw ng table ko.

Napatigil ako sa ginagawa nang tumunog ang intercom. Agad kong itong nilapitan at sinagot ang tawag dito. "Yes?"

"Ms. Clari, pasensya na po sa istorbo...may lalaki po kasing naghahanap sa inyo. Gusto raw po niya kayong makausap."

Napakunot-noo ako. "Sino raw?"

"Kade Montalvo raw po. Kaibigan n'yo raw siya."

Nalaglag ang panga ko. "W-Where is he?"

Kani-kanina lang ay kausap ko ito sa chat. It's surprising that he's here right away in my office.

"Nandito po siya sa labas ng office n'yo. Papapasukin ko po ba siya?"

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon