Preview:

475 6 0
                                    


CC is one of the highly respected bachelorettes in Santi Tierra for owning a resort. She's the epitome of a true beauty, intelligence and wealth; setting a high standard to be dubbed as the have it all woman.

All eyes are on her that's why carelessness doesn't have a place for her. She's afraid of making mistakes because the expectations from her by the people around her were too high.

And that leads her to be unconsciously perfectionist, until she met this man. A stranger that makes her feel loved for the second time around. She fell in love with him, she fell from his trap...

Is it or the other way around?

* * *

Madrid, Spain.

"PILIT mong tinatalikuran ang nakaraang paulit-ulit kang binabalikan..."

Mahina ngunit matinis na boses ang pumuno sa kaninang tahimik na silid.

Naningkit ang mga mata ko pagkatapos sumalubong sa'kin ang maliwanag na sikat ng araw nang hawiin ko ang makapal na kurtina sa glass window. Sumisilip ang papalubog nang araw sa pagitan ng mga naglalakihang istruktura ng siyudad.

"Are you ready to unveil the secrets in your painting?" Sumusunod ang lagutok ng takong nito habang papalapit ito sa kinatatayuan ko.

Sumimsim ako ng alak mula sa wine glass na hawak ko nang makita ko ang pagngisi niya mula sa repleksyon nito sa glass window.

Pumihit ako paharap sa kanya. "Ilang ulit ko bang sasabihin na it's just an art for me. I'm not Leonardo da Vinci to paint such a mysterious art. Tigil-tigilan mo ako sa mga secrets na 'yan, Cherry, dahil wala naman talaga."

Sinaid ko natitirang alak sa wine glass at naglakad pabalik sa couch. Inilapag ko ang wine glass sa ibabaw ng center table.

"I'll be heading home. Just call me kung may ipapagawa ka pa sa'kin, nasa apartment lang ako." Kinuha ko ang sling bag ko sa ibabaw ng couch.

Inismiran ako ni Cherry. She traced the edge of the landscape painting with her thumb.

"Kahit hindi mo aminin...alam kong mahal mo pa rin siya. Umiiwas ka kapag papunta na sa kanya ang usapan kasi nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon."

Umigting ang panga ko sa narinig, lalo na nang mapadako ang tingin sa painting nang ilapag niya iyon sa center table.

"Don't start with me, Cherry! Please, don't." Mabilis kong tinungo ang pintuan ng opisina subalit bago pa man ako tuluyang makalabas, hinarap ko ulit si Cherry. "Tama ka, iiwas ako hanggang kaya ko kasi iyon lang ang kaya kong gawin. Kaya ikaw Cher...huwag na huwag kang magmamahal ng taong hindi ka naman mahal. Huwag na huwag mo ring piliing saktan ang taong magmamahal sa'yo. Kasi masakit..."

Napapikit ako nang may kumurot sa puso ko.

"Mas masakit pa kapag sumakit ang ngipin mo." Iyon lang at itinuloy ko na ang napintong pag-alis.

Mabibilis ang mga hakbang ko habang tinatahak ang hallway nang tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko iyon sa bag ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pangalan na nasa screen. Napalunok ako, nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba o hindi.

Pinili ko ang huli, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa parking lot. Hinayaan kong tumunog nang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ng taong iniiwasan ko pa rin hanggang ngayon.

Not now Raki...hindi ko pa kaya...

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon