Kabanata 55: RAGING SILVER EYES

146 1 0
                                    

Raging Silver Eyes...

- - -

Astoria Dines.

        ISANG MALALIM na hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo ako sa harap ng isang restaurant na pamilyar na sa'kin.

Instead of Mrs. Danzell, I'm meeting her here.

Sa totoo lang...kinakabahan na ako. I know this conversation can turn to a confrontation about what I did last night.

Napalunok ako. I am already bracing myself for the worst that could happen this time. I already prepared myself mentally in case we'd make a big scene in this place.

I readied myself physically if ever I get a slap from Cleah, which I would willingly accept. Because I know what I did, regardless of how you perceive it, is completely unacceptable. I suppose if I were in her shoes, I would feel the same way.

Pumasok na ako sa loob ng restaurant. Isang waiter ang kaagad na sumalubong at bumati sa'kin.

I flashed a smile. "Hi, I'm here with Ms. Suarez."

Nakangiting tumago sa'kin ang waiter na parang kilala na agad ang tinutukoy ko. "This way po, Ma'am."

Tahimik lang akong nakasunod sa waiter habang iginigiya ako nito papunta sa table na ini-reserve ni Cleah. Huminto kami sa isang table katabi ng glass wall. 

"Thanks," ngiti ko sa waiter nang humarap ito at iminuwestra sa'kin ang isang upuan.

Magalang na tumango sa'kin ang waiter bago ito nagtanong kung mag-oorder na ba ako.

"Saka na ako mag-oorder kapag dumating na ang kasama ko. Pahingi na lang ng tubig," ani ko sa waiter bago ako nito iniwan para kumuha ng tubig.

I waited for two minutes bago ako binalikan ng waiter na kausap ko kanina. May hawak na itong tray na laman ang isang baso ng malamig na tubig.

"Salamat—" Tumingala ako sa waiter nang inilapag na nito ang baso sa lamesa pero umagaw sa atensyon ko ang alanganing ekspresyon nito.

"M-May problema?" Hindi nakatiis na tanong ko.

"Ma'am...s-sigurado po ba kayong okay lang sa inyong maghintay ng dalawang oras?"

"Dalawang oras?" Naguguluhang napatitig ako sa kausap. "Hindi ba't 6:00 pm ang ni-reserve na oras ni Ms. Suarez?"

Bumakas ang gulat sa mukha ng waiter. "Nagpalit po siya ng oras."

My forehead wrinkled. "What? Kailan?"

"Tumawag po siya kaninang 1:00 pm para magpalit ng oras."

Umigting ang panga ko sa narinig. And she didn't even bother to call or text me about that!

AN HOUR had passed. The outside view of the restaurant is also getting darker. At hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpakawala ng marahas na paghinga habang tinatapik ang daliri ko sa lamesa.

I'm getting bored and impatient. Muli akong sumulyap sa suot kong wriswatch saka humugot ng hininga. There were still 20 minutes until 6:00, so I remained seated and waited a little longer. Anumang oras ay darating din siya at ayokong magkasalisihan kami kapag umalis ako sa pwesto ko dahilan para masayang ang minuto naming pareho.

Dinampot ko sa harap ko ang basong nangangalahati na ang laman. Sumimsim ako ng tubig roon para mas lalong kumalma. I need to keep my composure, especially since I'm about to face Ms. Suarez any minute now.

I took the glass away from my mouth when I felt the liquid passing through my throat. Ibababa ko na sana ang baso sa lamesa pero dumulas 'yon sa kamay ko nang gumulat sa'kin ang tunog ng pagsabog sa kung saan! The sound was loud enough to disrupt the peaceful atmosphere that surrounded the restaurant just a moment ago. The whole place turned into chaos!

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon