Kabanata 1: CASA DE GALLEGO

343 5 0
                                    

Troubled.

- - -

"ANO NA NAMAN itong gulong napasukan mo Raki at nasa presinto ka na naman?"

Inikot ko ang swivel chair paharap sa malaking double-glazed window ng opisina habang hinihilot ang sentido ko.

"Ate...please, release me from this hell-I mean cell. Hindi naman namin sinasadyang mabasag 'yong windshield ng sasakyan."

Marahas akong bumuntong-hininga ako. I'm a bit tired. Kababalik ko lang mula sa Gallego Garden dahil inasikaso ko pa roon ang mga bagong tanim na halaman sa nursery at nakipag-usap sa ilang local buyers.

Tumayo ako sa bintana. "I have a meeting with Mrs. Danzell at 2:00 pm. Wala rin si Janna kaya pupuntahan na lang kita diyan pagkatapos ko sa meeting—"

"What?! Spare me please, hindi ko na kayang tagalan ang init dito, Ate Clari. Feeling ko mamatay na ako sa dehydration. Ang baho-baho pa rito!"

Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko sa paghisterikal ni Raki. Saka ko na lang siya binalikan nang medyo kumalma na siya. 

"You just need to stay for a few hours or else diyan kita patutulugin."

"Pero Ate-"

"Just do what I said, parusa mo 'yan. Kung bakit ba kasi napakatigas ng ulo mo. Kabibilin ko lang sa'yo kaninang umaga na huwag kang gagala ngayong araw. I still have work to do. Behave!"

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita, agad kong binaba ang tawag. Mabigat ang mga hakbang na bumalik ako sa swivel chair. 

"Salubong na naman ang mga kilay mo, CC. Si Raki na naman ba?"

I stared at the red-haired woman with a bobcat cut who had just arrived at my office. Her average brown colored eyes were fixed on me.

"As usual! Raki never fails to piss me off!" sagot ko kay Aina.

"Ganyan talaga kapag panganay. Konting pasensya pa, magma-mature din yan si Raki," kibit-balikat ni Aina habang lumalapit sa couch na katapat ng table ko.

"I wish she could do it sooner," I said.

"Knowing your sister...matagal pang mangyayari 'yon."

I just shook my head and combed my straight, shoulder-length hair with my fingers. My hair is naturally black. I just dyed it with auburn highlights because it looks nice on me whenever I braid it that compliments my fair and heart-shaped face.

Kinuha ko ang travel mirror sa built in cabinet ng table ko. I need a retouch to redeem myself from stressing out. Masyadong mabigat ang bungad sa'kin ng araw na 'to.

Nilabas ko mula sa bag ko ang isang gold case lipstick. May tatak itong STYLIX sa tube nito. It's an oxblood red matte lipstick na lalong nagbibigay-buhay sa manipis at heart-shaped kong labi. 

Even though I have natural red lips, I always prefer wearing lipstick for two reasons. First, it boosts my self-confidence. Second, since I'm the general manager of a resort, I must always look pleasant and a bit intimidating.

"Birthday mo na nga pala sa makalawa, anong plano mo? Saan ang venue ng party?"

Napatigil ako sa ginagawa. Tumingin ako kay Aina na nakaipit ang isang binti sa pang-upo niya.

"Walang party na magaganap. I just want a simple celebration on my birthday," seryosong saad ko.

"Simple celebration katulad ng pagkukulong sa mansyon n'yo?" Leaning back on the couch, Aina crossed her arms. "Sabi ko nga ba na ganyan na naman ang sasabihin mo. Hay naku, Calleiah Clarity Gallego! Kung yayakagin at ipagluluto mo na naman ako sa mansyon n'yo, no thanks, babatiin na lang kita ng Happy Birthday. I'm not happy anymore with your boring celebration."

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon