Kabanata 15: MANSION & COUSIN

72 3 0
                                    

Mansion and Cousin.
_____________________________________

      NAKASUNOD lang ako kay Kade habang nilalakad namin ang pathway sa gitna ng garden, patungo sa main door ng mansyon.

Tumigil kami kami sa harapan ng mansyon. Hinubad ko na rin ang face mask na pinahiram niya sa'kin kanina at inabot iyon sa kanya.

"T-Thanks for letting me borrow your..." I paused when he turned to me, grinning from ears to ears.

"You're always welcome..." aniya nang kunin niya ito mula sa'kin.

Napatikhim ako. Nagbawi ako ng tingin at ibinaling sa mansyon na nasa harapan namin.

"Is this your family's mansion?" I asked without glancing at him.

Ipinirmi ko ang atensyon ko sa mansyon at pinapasadahan ito ng tingin. It's a renovated ancestral mansion painted in pink, may maliit na veranda sa harap bago ang mababang hagdan. It's a three-step stair before you reached the main door.

"Bahay 'to ng lolo ko. Dito na kami tumira ni mama simula nang mamatay ang papa ko." Rinig kong saad ni Kade kaya napalingon ako sa kanya. It's the first time na nag-open up siya about sa family niya.

"I see...so dito ka pala lumaki." Nasabi ko na lang dahil hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin sa mga naging pahayag niya.

"Yes. Dito ako lumaki kasama ng iba ko pang pinsan..." 

Sabay kaming napatingin ni Kade sa main door nang malawak itong bumukas.

"Akala ko drawing ka na naman eh."

Napako ang mata ko sa babaeng lumabas mula roon. Morena ang balat, paalon-alon ang mahabang buhok at balingkinitan. May pagkakahawig ito sa Mexican actress na si Thalia. She's just around my age...if I'm not mistaken.

Tumigil ito sa paglalakad at humalukipkip. "Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito, Kaiden Trevor Montalvo I a.k.a King." 

Umigting ang panga ni Kade. "Dammit! Stop calling me that, will you?" 

Tumaas ang isang sulok ng labi ng babae para sa isang pamilyar na ngisi. "C'mon, King, what's with the face?"

I don't know how this woman related to Kade, but the way she smirked at Kade is the same way how Kade smirked at me.

"If Tita Kaia is still alive, I'm sure magtatampo iyon sa'yo dahil hindi mo ma-appreciate yung pangalan na binigay niya sa'yo."

Puminid ang labi ko sa narinig. I didn't know na patay na rin pala ang mommy ni Kade. Hindi niya kasi nabanggit kanina. Sumulyap ako kay Kade at naabutan ang matalim niyang tingin sa kaharap. 

"Shut up, Laura Marissa!" Nagtatangis na bagang niya.

Unti-unting naglaho ang ngisi sa mukha ng babae. "Fuck you, King!"

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam, Lars." Ang galit sa mukha ni Kade ay napalitan ng mapangasar na ngiti. 

"You're still annoying!" The woman he called Lars let out a furious breath. 

I stared at the woman intently as she went down. She did the same, wearing a cold expression in her silver eyes.

Tumigil siya sa harapan ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "And who's this gorgeous woman beside you, King? Siya ba si..."

I cleared my throat, feeling uncomfortable with the way she stares at me.

"Yeah...she's Clarity." Si Kade ang sumagot para sa'kin.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon