WomanNap.
_____________________________
"BAKIT ang tagal mo sa loob?"Sumalubong sa'kin ang nakataas na kilay ni Kade pagkalabas ko ng coffee shop. Prente siyang nakaupo sa hood ng kanyang Black Ferrari.
Humigpit ang hawak ko sa tumbler. "Ano namang ginagawa mo rito?"
"Pinuntahan kita sa resort pero ang sabi nila, nakauwi ka na raw kaya nagbaka-sakali lang ako na baka nandito ka..." ngumisi siya. "Buti na lang nandito ka."
Marahas akong huminga at inilang-hakbang ang pagitan namin.
"Dahan-dahan baka matapi---"
"Are you stalking me, Kade?" I gave him a dark look, shutting him.
"No."
"Then how did you know that I'm here?"
Not answering my question, he darted his eyes to my lips. Mayamaya'y hinimas niya ang sariling batok at ibinaling ang tingin sa gilid. "Damn, Clarity. Are you trying to seduce me with your wet lips and black coffee breath?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Hinihiling ko sa mga sandaling ito na bumukas ang lupa at lamunin ako dahil sa kahihiyan!
Mabilis akong naglakad papunta sa Audi kong nakaparada sa tabi ng sasakyan niya. Binuksan ko ang side door ng sasakyan pero may kamay na pumigil sa'kin.
"Saan ka pupunta?"
"I'm going home."
"Huwag ka munang umuwi. Sumama ka muna sa'kin. May date pa tayo, 'di ba?"
Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko. "Ayoko, Kade. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Kailangan ko nang umuwi---"
I didn't finish my words when he quickly turned me around to face him.
"What just happened to you?" Tumama sa mukha ko ang mainit at mabangong hininga niya. "May nasabi ba akong mali..." unti-unting ngumisi si Kade na tila may naisip na kapilyuhan. "Huwag mong sabihin na na-offend ka sa sinabi kong amoy-kape ang hininga mo?"
Nag-init ang tenga ko sa narinig. Sa inis ay nahampas ko siya ng shoulder bag ko!
"Seryoso, Clarity? Na-offend ka dahil doon?" Tumatawang inagaw niya sa'kin ang bag ko.
Blanko ko lang siyang tiningnan. Nakapinid pa rin ang mga labi ko dahil ayaw kong maamoy na naman niya ang amoy kape kong hininga. Hinablot ko sa kanya ang bag ko, ngunit hindi niya pa agad iyon binitawan.
"When I told you that you have a coffee breath, that was a compliment. Hindi ko naman alam na mao-offend ka dahil doon."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at matalim siyang tiningnan. "Pwede ba, Kade! Stop playing around! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo kaya kung wala kang magandang sasabihin---"
"Kung sasabihin mong tantanan na kita...apologize, lady...but the more you're trying to push me away, the more eager I wanted to get your attention." Ngumisi siya sa'kin saka binitawan ang bag ko. "You know. I just can't deprive my alpha pride."
Nalaglag ang panga ko sa narinig at hindi pa nga ako nakakahuma nang ginagap niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanyang sasakyan.
"Tara na. Ipapahatid ko na lang ulit ang sasakyan mo sa tauhan ko."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "What? Wait. Saan mo ba ako dadalhin?" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, pero ibinalik niya ulit ang kamay niya roon.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romance"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...