Warning: This chapter contains SPG scenes. Read at your own risk.
-----------------------------------------------------------------
Kiss of Saviour.
- - -NAGTAGAL muna ang tingin ni Kade sa mukha ko bago siya tumayo.
Samantala, napabuntong-hininga na lang ako. He's not ready to tell me yet.
"Where's your sister?" Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng sala. Napansin niya marahil na kami lang dalawa ang naroon.
Hindi na namin naabutan si Manang dahil nakauwi na ito. Si Raki naman ay malamang, sinundo na ni Star sa university niya.
"She's with our cousin, so she won't be sleeping here," I answered.
"Is it okay for you to sleep here by yourself?"
I swallowed. Humawak ako sa dulo ng kanyang T-shirt. "W-Will you just stay? I-I'm scared to sleep here by myself."
Takot akong matulog nang mag-isa sa mansyon pagkatapos ng nangyari.
Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon. "Kahit hindi mo ako tanungin, gagawin ko 'yon."
TININGALA ko siya habang buhat niya ako paakyat sa kwarto ko.
I told him I wanted to take a hot shower. Akala ko ay aalalayan niya lang ako sa pag-akyat, but it surprised me when he carried me in his arms again.
"Hindi ka pa ba napapagod? I mean kanina mo pa ako binubuhat." I touched his jaw dahil napakaseryoso ng mukha niya habang inaakyat namin ang hagdan patungo sa kwarto ko.
Mahina siyang natawa dahilan para umalog ang dibdib niya. "When you love what you're doing...you won't get tired."
Awtomatiko akong napangiti. He really knows how to lighten the mood.
Nakarating naman kami agad sa kwarto ko. Diniretso niya agad ako sa bathroom at ibinaba ako sa bathtub.
Palabas na sana siya ng bathroom nang tawagin ko siya. Nagtatanong ang mata niyang bumaling sa'kin, pero agad 'yong nangislap nang hubarin ko ang jacket niya.
I didn't even flinch or get embarrassed while taking off his jacket, knowing that I was exposing my chest to him. I mean, hindi niya pa naman nakikita ang buong dibdib ko, but he can see my cleavage. Kung mayroon man…
"Baka mabasa," kaswal na saad ko nang iabot ko sa kanya ang jacket.
Samantala, para siyang natulos sa kinatatayuan niya habang mataman lang nakatingin sa kamay kong nakalahad sa kanyang harapan.
Nang mapatingin siya sa'king dibdib, hindi nakatakas sa'kin ang marahas na pagtaas-baba ng Adam's apple niya. Bago pa man siya nakapag-iwas ng tingin ay nakita ko nang namula ang mukha niya.
Kinuha niya mula sa'kin ang jacket niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
"B-Bababa na ako."
Bago pa man ako makasagot ay nagmamadali na siyang lumabas ng bathroom. Hanggang sa narinig ko na lang ang malakas na pagsarado ng pintuan ng kwarto ko.
Sandali ko munang tinitigan ang nakasaradong pinto ng banyo bago ko hinubad ang natitirang saplot sa katawan ko. Binuksan ko na gripo sa bathtub.
I sighed in relief nang maramdaman ko na ang mainit-init na tubig mula sa gripo na dumadampi sa balat ko. Kinuha na ang bubblebath at nagpahid mula sa leeg ko pababa sa talampakan ko. Hindi ko pinalampas na lagyan ang bawat kurba ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romance"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...