Kabanata 20: FULFILLED A DESIRE

67 2 0
                                    

Unknowingly Fulfilled A Desire.

- - -

"NAKAUWI na sila," ani Kade nang nasa harap na kami ng mansyon. Umikot kasi kami ng daan pauwi kaya doon ang bagsak namin.

"Kuya Kade, Clari, tama lang ang balik n'yo. Malapit nang matapos 'yong niluluto ni Nay Ester para sa Merienda." bungad sa'min ni Ari mula sa veranda.

Nakaupo siya sa couch na naroon, katabi ang fiancé niyang si Clent at magkahawak kamay. Kung hindi lang sana kami dumating kaagad ni Kade, hindi pa mahihinto sa sweet moment nila.

"Magbihis na kayo para sabay-sabay na tayong mag-Meryenda." si Ari.

Tumango si Kade na agad hinawakan ang kamay ko bago siya humakbang sa mababang hagdan subalit napatigil siya nang hawakan ko siya sa braso.

"Bakit?" kunot-noong lingon niya sa'kin.

"Basa tayo. Hindi tayo pwedeng dumaan sa sala."

"At sino naman ang may sabing bawal tayong dumaan sa sala?" His brows remained furrowed.

"W-Wala naman. It's...it's just that, nakakahiya sa mga kasambahay kung---"

"Kung magbabasa tayo sa sala?"

Marahan akong tumango. Hindi dahil bisita ako roon ay excuse ako sa mga bawal.

"Masuwerte ang mga kasambahay rito dahil nagkaroon sila ng bisitang kagaya mo." Ginagap niya ang kamay ko saka ako hinila patungo sa gilid ng mansyon, doon sa gilid kung nasaan ang satellite dish na nakita ko kahapon.

* * *

"REALLY, Clari?! Ginawa mo nga?!" Nanlalaking mata ni Ari pagkatapos kung sagutin ang tanong niya kung ano ang ginawa namin sa talon ng Kuya niya.

"Oo." tipid ang ngiting tango ko. Nasa kwarto kami ni Lars ngayon. We're choosing a dress for me since I was with Kade earlier when her co-designer brought the dresses.

"Oh gosh! I can't believe na ginawa mo nga 'yon. You're so brave for doing that, Clari." Ari exclaimed kahit na bakas sa mukha niya na may inaasahan siyang ibang sagot mula sa'kin.

Tipid ko lang siyang nginitian. I can't blame her though if she's not really convinced of what I just said.

"Kaya pala ang lawak ng ngiti ng loko." mayamaya'y iling ni Lars na umagaw sa atensyon namin ni Ari.

"Napansin ko nga rin iyon kanina." si Ari.

My brows knitted as curiosity urged me again to ask something. Pero bago ko pa man ako makapagtanong ay inunahan na ako ni Lars.

"Alam mo kasi, Clari...lahat kami, niyaya ni King na gawin 'yon kaya lang masyadong kaming takot para samahan siya sa trip niya, kahit siya."

"Bukod kay Kuya, wala talagang maglalakas-loob na tumalon nang ganoon kataas tapos hindi mo pa alam kung babagsak nga ba sa tubig o sa mismong batuhan." segunda ni Ari na lumapit at inabot sa'kin ang isang peach dress.

Lalong kumunot ang noo ko dahilan para mapaismid sa'kin si Lars. "Yes, Clari...ikaw ang kauna-unahang sumakay sa trip na iyon ni King. You've just unknowingly fulfilled one of his crazy desires."

* * *

You're really crazy!

BUMALING ako sa kabilang panig ng kama. Kahit nakabalik na ako sa guest room at nakahiga na ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi nila Lars at Ari kanina.

His personality is still a mystery to me. I can't read him as I can't even assess what's going on in his mind.

I inhaled deeply and jumped out of bed. With thoughts in my mind, sigurado akong hindi agad ako makakatulog. I need to breathe some air and freshen up my mind. Kinuha ko ang cardigan na nakasampay sa single-seater couch at isinuot iyon bago ako lumabas ng kwarto.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon