Kabanata 30: MOMENTS.

57 1 0
                                    

Moments.

- - -

NANG makaramdam ng pangangawit mula sa pagkakaupo ko, inalis ko muna ang mata ko sa screen ng cellphone.

I took a deep breath and placed my phone on the table. I gazed at the cup of coffee before taking a sip.

Time flies too fast, parang kailan lang ay pumasok ako noong Lunes na inihatid pa ni Kade, ngayon ay Sabado na which is my day off. Pero dahil wala naman akong espesyal na gagawin ngayon, ay pumunta pa rin ako rito sa Casa. I won't do any work today, I'll just roam around and monitor kaya narito ako ngayon sa restaurant.

I peeked outside through the glass wall. Sa buong Casa de Gallego, ang restaurant na ito ang pinakamalapit sa dagat kaya paglabas mo sa restaurant na ito ay buhangin na ang malalakaran mo.

Natigil ang pag-iisip ko nang lumakas ang bulung-bulungan sa loob ng restaurant, like they saw something interesting.

Sinundan ko ang direksyong tinitingnan ng mga taong kasama ko rito sa loob hanggang sa malaglag ang panga ko nang makita ko siya.

With a red summer shorts that reaches his tan knees, he's also wearing a gray loose and rugged sando. Mukhang T-shirt 'yon dati na ginunting lang ang manggas para maging sando kaya kitang-kita ko ang biceps at triceps niya!

My heart skipped a beat when I noticed he was heading in my direction. Diretso ang tingin niya sa'kin habang nasa kanya ang mata ng mga babaeng guest at mga staff.

May kakatwang pakiramdam ang lumukob sa'kin. It feels like déjà vu. Kung paano at kung bakit ko naramdaman 'yon, hindi ko alam...

Tumigil siya sa harapan ko at inilagay sa magkabilaang baywang ang mga kamay.

I gulped. Those thin axillary hair! It's damn so manly!

"I know you wouldn't like it if one of your employees caught you drooling at me secretly, Ms. Manager."

Tumikhim ako. "That's not what I'm doing." Umayos ako nang upo saka kunot-noong tiningnan siya. "Ano ba kasing ginagawa mo rito sa resort?"

Not answering my question, he just grinned and took the seat across from mine. "Ang sabi ni Janna, off mo ngayon pero pupunta ka pa rin sa Casa para mag-monitor."

"Raki is going to hangout with her friends kaya ako lang ang maiiwang mag-isa. Wala rin naman akong gagawin sa mansyon kaya dito na lang ako."

Nagtagal ang tingin niya sa'kin saka siya malawak na ngumiti na parang may naisip na maganda.

"Wala rin akong gagawin ngayong araw. Sasamahan na lang kita rito. At saka parang gusto kong maligo sa dagat..."

I stared at him. With his outfit, obviously...he's planning to do that.

"Pero kasama ka."

Nalaglag ang panga ko. "W-Why?"

"Syempre, mas masarap maligo kapag may kasama. Hindi natin nagawa 'yon sa Aurora kaya itutuloy natin dito sa dagat." He grinned naughtily and wiggled his eyebrows.

Napatitig ako sa kanya. It's a good idea, actually. Halos araw-araw akong nasa Casa pero halos kalahating taon na rin akong hindi nakakaligo sa dagat na kung tutuusin ay napakalapit at accessible lang para sa'kin.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon