Kabanata 34: MAD

60 2 0
                                    

Mad.

- - -

NAGTATANONG ang matang sinalubong niya ang mata ko nang muli akong bumaling sa kanya.

"I called Janna. Magpapaakyat na lang ako ng lunch natin. Dito na tayo kumain," paliwanag ko dahil ayoko rin makita si Star pagkatapos ng nangyaring komprontasyon sa pagitan namin kahapon.

"Insist all you want that I'm the one who did that, I don't care. Pagod na akong i-explain ang sarili ko. At lalong hindi ako aamin sa bagay na hindi ko naman talaga ginawa." Her last statement to me before storming out of my office.

I just sighed. Sinulyapan ko si Kade na tumayo at dumiretso sa cr.

Bumalik naman ako sa table ko, tumingin sa monitor ng macbook at nakitang nai-save na niya ang files.

Awtomatiko akong napangiti. He's fast. Kung ako ang nag-type ng mga 'yon baka hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin ito.

Nagtagal si Kade sa cr. Saktong kalalabas lang niya mula roon nang tumunog ang intercom. Mabilis kong sinagot ang tawag doon.

"Ms. Clari. Nandito na po ang mga pagkain pinaakyat n'yo." si Janna.

"Alright. I'm coming." Pinatay ko na ang tawag saka tinungo ang pinto.

Si Silas at Manang ang nabungaran ko pagkabukas ko ng pinto. I thanked them and instructed Janna that she can have her lunch with them.

Saka pa lang ako pumasok nang makaalis na sila. Inilapag ko ang tray sa lamesita at tinawag si Kade na nakatayo sa harap ng bintana.

   UMALIS RIN SI KADE sa resort pagkatapos lunch namin pero nagsabi siya na pupuntahan niya ako rito pag-out ko.

Gusto niyang mag-date kami at kumain sa labas. He wanted to make it up to me sa hindi niya pagpaparamdam ng isang linggo.

Pumayag naman ako. Kaya bago ako lumabas ng opisina ay nag-ayos muna ako ng sarili. Nagpahid ako ng kaunting powder sa mukha ko at nag-lipstick. I even curled my lashes and wore a maskara.

Nag-spray ako ng pabango at isinuot ang corporate blazer ko bago ako lumakad palapit sa pintuan. Pasimple kong sinipat ang sarili ko sa glass door ng hotel bago ako tuluyang lumabas.

"May lakad po yata kayo, Ma'am," bati sa'kin ng ilang empleyado na nakakasalubong ko habang naglalakad ako papuntang parking lot.

* * *

"WILL you just stop giving me that kind of look, Kade," I reprimanded him sa panaka-nakang tingin niya sa'kin mula sa rearview mirror.

Tumawa siya. "I'm just appreciating my girlfriend's beauty. May masama ba roon?"

I frowned. "Just focus on your driving. Mababangga tayo sa ginagawa mo."

Ngumisi lang siya sa'kin at nag-concentrate na sa pagmamaneho. Halos dalawampung minuto ang itinagal namin sa kalsada bago kami nakarating sa isang high-class restaurant.

Halos katulad ng restaurant na ito ang isang restaurant sa Casa de Gallego kaya hindi na ako masyadong namangha sa interior design.

Hindi na ako umalma nang hawakan ni Kade ang baywang ko habang papasok kami sa loob ng restaurant. Binati kami ng guard na siyang nagbukas ng pinto para sa'min.

"Salamat, Boss," ani Kade sa guard.

Pagpasok sa loob ay madali namang nahanap ni Kade ang table na ini-reserve niya para sa'min. Nakahawak pa rin siya sa baywang ko nang maglakad kami papunta roon. Pero napatigil kami nang may edad na babae ang biglang lumapit sa'min.

A Setback Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon