Questions.
______________________________________
PAGKATAPOS ipakita sa'kin ni Lars ang guest room, bumaba na rin kami.That guest room is same as Lars'. Tanging ang gray na kurtina ang naging kaibahan. Taliwas sa silid ni Lars na maliwanag, medyo madilim ang silid na iyon dahil nakaladlad ang mahabang kurtina na nakatakip sa sliding window. Hinaharangan nito ang sinag ng araw na kumalat sa kanugnog na terasa.
"Nga pala..." basag ko sa katahimikan sa pagitan namin ni Lars habang pababa kami ng hagdan.
"Anong sasabihin mo?" salubong ang kilay niyang lingon sa'kin.
"Nabanggit kasi kanina ni 'Nay Ester ang lolo n'yo. Nasaan na nga pala siya? Bakit hindi siya sumabay sa'tin kanina?"
"Sigurado ka bang gusto mo siyang makasabay sa pagkain?"
Puminid ang labi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa naging tanong niya. Kung sasabihin kong Oo, magmumukha namang akong masyadong interesado sa pamilya nila... kung Hindi naman, parang ang bastos ko naman dahil ayaw kong makaharap ang isa sa may-ari ng mansyon na nilalakaran ko.
Tumigil si Larissa sa pagbaba at lumingon sa'kin, seryoso ang mukha niya. "Matagal nang patay si Lolo Cads...it's been eight years mula nang mamatay siya sa sunog." Pain and sadness registered on her face.
"I-I'm sorry..." I muttered. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko naitanong iyon.
"You're sorry for what? For asking about him?"
Kimi akong tumango. Alam ko na kahit medyo matagal na ang lumipas...hindi pa rin maaalis ang sakit kapag naaalala ang mahalagang tao na namayapa na.
"You don't have to. That happened eight years ago at tanggap na namin ang nangyari sa kanya. Ganun naman talaga, hindi ba? Kahit ayaw mong tanggapin, kailangan mo pa ring gawin. Life is too short, ika nga. Lahat naman tayo dadaan din diyan. Una-unahan lang talaga."
"Yeah...I know..." My voice cracked, and I almost sniffed when mom, dad and lolo's smiling faces flashed in my mind...including him...
I restrained my little tears. I can't do it right now...not please...
"Hey...are you okay?"
Mabilis akong napatingin kay Larissa. Her brows furrowed slightly as she gazed at me. Napansin niya marahil ang bahagyang pamamasa ng mata ko.
"I-I'm okay." Pilit akong ngumiti. I can't let her see my vulnerable side.
Nagdududa pa siyang tumingin sa'kin bago siya nagpatuloy sa pagbaba.
* * *
NAABUTAN namin si Kade sa sala na prenteng nakaupo sa couch. Nakasuot na siya ng puting V-neck shirt at itim na short na umabot sa kanyang tuhod.
"Bakit ang tagal n'yong bumaba?" Gusot ang mukhang tumayo siya at lumapit sa'min pero hinarangan siya ni Lars.
"You're overreacting, King. Wala pa ngang isang oras na hindi mo nakita si Clarity, hindi na agad maipinta ang mukha mo."
Kade shot Lars a bored look. "Mind your own business, Laura Marissa. I'm the one who brought her here. As much as possible...I should never lose her to my sight."
Mula kay Lars ay tumagos sa'kin ang tingin ni Kade. Sumuyod ang mga mata niya mula sa mukha kong wala ng makeup hanggang sa talampakan ko na may suot na flipflops.
Bumalik ang mga mata niya sa mukha ko at unti-unting itinaas ang sulok ng kanyang labi. "You look like a teenager with your white dress..."
My jaw dropped when I heard him even chuckle.
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romantiek"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...