Simula

7K 106 18
                                    

The beginning

"M-Mom wake u-up please w-wake up." I whispered at my mom, it's barely audible, I could hardly hear it. Habang pinipigilan ang mga dugong dumadaloy sa kanyang katawan, sumasama ang na rin ang mga luha ko. Sobrang dami na ng dugong nawala sa kanya. Ayoko mang isipin pero imposibleng mabubuhay pa ang isang tao. Pools of blood in our floor, soaking my uniform.

May humigit sa akin at malakas na binalibag ako sa salamin dahilan ng pagkabasag nito. Nagkalat ang mga bubog sa sahig.

Mula sa pagkakadapa ay may muling bumuhat sa akin.

"Kill her." a low murmur coming from above me.

My vision is too blurry to recognize a person. Bumibigay na din ang talukap ng aking mata at buong katawan. My conciousness slowly difting away from me.

Pinatayo niya ako mula sa pagkakahiga. At kwenelyuhan. Inamoy niya ako, pumikit siya ng marahan bago nanlaki ang mata.

Oh God his eyes! His eyes were red!

''Her blood! Fuck her blood!!"

Instead of looking like a madman, he looks frantic and alert as if I'm the one who's going to hurt him.

As he about to pierce his pointed canines at my neck someone called him.

"Brian nandyan na sila!!"

Isang hingang malalim ang ginawa ko at nagising sa isang masamang panaginip na totoong nangyari. Napakabrutal ng ala- alang iyon at imposibleng makalimutan ko pa. Normal nalang ito sa akin dahil lagi ko itong napapanaginipan. Kung hindi ang pambubully ay ang trahedyang nangyari sa aming bahay.

I touched my cheek and felt the moisture of it. Hindi ko namalayang umiiyak ako habang nanaginip. It's crazy, maybe I should consult to psychiatrist. But no--I'm not. I saw what I saw, felt what I felt.

Tinignan ko ang oras at kailangan ko nang maghanda para sa trabaho.

I showered and dressed up my common office girl outfit. White button down blouse, pencil skirt. An I.D.

Ordinaryo lang ang buhay ko. Mag aaral, Magtratrabaho at mamamatay. I'm contented about it even at my tragic childhood I managed to live like other people. Mom left me nothing but a bracelet.

Anong gagawin ko sa bracelet kung hindi naman ako mabubuhay nito. But I keep it, despite of her craziness about it, protecting me. It never protected her to those monsters, how about me?

It's just an ordinary bracelet kung titignan pero kung titigan sobrang detalyado ng pagkakagawa. And I'll never remove this cause I felt mom's touch whenever I feel it.

I'm average person. Yung nasasagi niyo sa pila ng jeep. Yung nagseserve ng kape niyo o pagkain. Yung estudyanteng tahimik sa gilid.

Pangkaraniwan.

Pangkaraniwan.

Naglakad ako papuntang building. It's three blocks away from my apartment. Habang naglalakad ay nararamdaman kong may nakatingin sa akin sa malayo.
I stopped.

Lumingon ako sa aking likuran. Ngunit wala akong ibang nakita kundi ang mga taong abala rin sa kanilang kanya kanyang lakad. An office woman running, baby on his stroller, couples talking, cars honking.

Maybe I'm just being too paranoid.

I reached the building in time. Pumasok ako sa elevator kasama ang mga nag tatawanang empleyado. Sobrang saya siguro na nagtratrabaho ka kasama ang iyong kaibigan. I wonder if I have a bestfriend too. Here. Pero kung ako ang papipiliin gusto kong maging kaibigan ang zombie, mermaid and I think ghost could fit my criteria too.

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon